pwedeng huminga?

Jul 06, 2006 11:33

nabigla ata ako dito sa pinasok ko...nagfeefeeling pa kong kaya kong pagsabayin ang dalawang trabaho... hehehe...at parang hindi ata ito ang tamang panahon para magblog...

in an instant, i became a copywriter...my gosh, i never even dreamt of becoming one... although nung college, in demand ako sa mga gawa gawa ng title dahil magaling daw ako sa "play of words." umaalingawngaw tuloy ang voices ng mga classmates ko ngayon.

isang masidhing kabusyhan ang madarama mong umiikot sa classroom kasabay ng malamig na ihip ng hangin (na nanggagaling sa ercon). ang lahat ay ngarag, palibhasa graduating...kanya kanyang katamaran na ang pinapagana, at kung tipong no choice na, sa mga subok na tao na nila pinapagawa ang mga bagay bagay...kumbaga may automatic designation program na nagaganap pag sinasabay sabay ng mga profs ang mga outputs...minsan kasi kinakalakalabit sila ng mga pseudo-demonic conscience nila at sinasadyang paramihin ang aming mga gawain...bagay o event o phenomenon na tuwang tuwa ako pag nangyayari (adik sa trabaho)

adik ka!

wait lang...hindi ko pa talaga kasi maabsorb na ibang lebel pala ang pinasok ko...

sample lang ha, eto email niya...

(madugong email starts here--->Hi Angel,

proprietary information kya di pwedeng ipost...

basta ang catch maggagawa ng copy sa promos ng globe na nasa malls, yung mga booth nila... (waaah! kung pwede lang na madugong email ends here...911! emergency room! internal and external hemmorhage!)

kasi naman nung tuesday, akala ko iinterviewhin lang ako. tapos client meeting na pala yun. major assignment na pala agad, thesis level...kausap ko na yung dealer ng nissan at gusto nila idocument ko yung ginagawa niyang studies for expansion. parang feasibility study... kasi nageexpand na siya, mora than sa showroom na meron siya eh gusto niyang magkaroon ng "fun part" yung business niya like creating programs for employees, membership chuva for brand loyalty at para sa mga customers niya nga, parang gusto pa niya magkaroon ng ala sonia's garden dun sa likod ng casa. big dilemma.

honestly speaking, i dont know anything about cars. i cant even stand skimming through car or auto-related magazines. but this is work! i have no choice... major research na naman ito...

akala ko naman magiisip lang ako ng creative programs (huy kailangang kailangan ng industriya ang mga creative na tao ngayon, kulang sila sa fresh ideas, at binabayaran ang ideas!) which is kinda cheesy for us (me and chan, yes, partners na naman kami) ksi naman nung college ginagago gago lang namin yung mga creative projects...kumbaga for a ca student, creativity comes out naturally...

ang hindi ko kinaya sa pagiging writer eh yung flexi writing, kailangan kong magadjust sa demands ng client. like for our first client (nissan naga) siyempre more on cars. tapos next naman eh ang globe (telecom, comm industry). syempre dapat pati sa stats dapat updated ako...

ang dami ko tuloy pinagsisisihan ngayon. sana noon palang pala nagbabasa na ako ng diyaryo... hehehe...

tapos medyo business partner pa kami ni dad ngayo dun sa loadextreme retailing na vinenture niya... ako pinapagawa ng presentations niya for target retailers/messengers... wahaha. actually yung budget ko nga ngayon sa kanya galing...and im supposed to type alot of things pero nagboblog ako ngayon...

parang nung summer lang more than depressed ako kasi parang feeling ko wla manlang kumukuha sa aking kumpanya, ngayon, tatlo tatlo pa...

siyempre dapat may bitawan akong isa...at iyon na nga ang call center...

okay fine sige, nagcall center ako kaya ako nagtago ng mga ilang linggo...hehehe...

kamusta naman at sales and service consultant nga ako sa convergys at hindi joke ang perang kinikita, nakakabulag talaga...pero hindi rin ako masaya...hindi ko manlang maipagmalaki sa mga tao kung saan ako nagtatrabaho...

its not like im discriminative (o racist! heheh..) pero hindi ako natutuwa na nandoon ako... ok cge, mapride na kung mapride...kasi naman noong college ang sama sama ko sa mga nagcall center na grad ng ust...

pero naenlighten ako nung nandoon ako for like 1 and a half months...hindi pala dapat ijudge ang mga taong nandoon kasi they have their own reasons...

people from all walks of life nandoon, may mga magagandang trabaho dati pero nagresign sa liit ng sweldo, may single parents, may fresh grads din, may undergrad na nireredeem ang sarili, may nagmamasters, lahat na ata...meron pa doon na band member na sumasayline ng call center...mahirap din ang trabaho (pati ang training) kasi kailangan mo rin imimick yung accent ng mga amerikano...para hindi ka nila babaan ng telepono...

sa ugali kong ito na demanding sa buhay, hindi talaga ko tatagal sa convergys...ayoko ng repetitive, cyclical, no variation, monotonous na trabaho...parang im being paid para lang magstay ng matagal...nakakabulag talaga ang incentives at ang benefits...

siyempre aminado naman akong mukha akong pera (hehehe joke) kasi marami kaming pangangailangan ngayon sa pamilya kaya gusto ko sanang ijuggle ang time ko sa pagiging writer/video editor/voice over talent/sales and service consultant/secretary ni dad/load xtreme dealer/videoke singer para masaya...

adik nga ako eh...

saka nalang ako magbabawas pag hindi na kinaya ng katawan ko...

pero ngayon, fight!

buhay na buhay na naman ang little notebook of wonders ko...para sa mga plano!
Previous post Next post
Up