buhayin ang LJ

Jun 18, 2007 09:44

ang konsepto ko ng LJ ay "very college." isipin niyo nalang na tuwing nagpopost ako ay naaalala kong bumalik sa nakaraan..

hindi ko matanggap na isang taon na ko nagtatrabaho, na graduate na si benj, na fourth year na sila dan, na third year na sila nikki at second year na sila audrey.. time flies!

kahapon, sunday morning, naisip kong makipagchat na hindi business ang purpose..nakausap ko yung dorm-mate ko at nagkamustahan.. its been a year! at 4th year narin siya.. gusto ko makipagkita..

habang nakikipagchat ay nagbrowse sa mga chorale pics..mga pare, nag evolve na kayo! natutuwa ako sa pictures..senyales yan ng magandang taon..

kailangan ko na kayong bisitahin..miss ko na kayo..auditions!
Previous post Next post
Up