life and its transitions...

Jun 09, 2006 18:31

hmmm napapadalas... julius, my reader, hehehe... thanks for quoting me. hindi ko naman pinacopyright yung statement pero feeling ko akin na. hehe... gosh it was a nice greeting kasi pagopen ko ng ym, message from an old friend na nasa states na ngayon. nakakatouch. kasi kinailangan niyang gumawa ng bagong id dahil andami daw talagang tao sa una niyang id, hindi daw niya kami makita pag online kami (how sweet!)

at dahil dun pinapauwi ko na siya dito sa pinas! hehehehe...

going back to the real subject, well punong puno parin ng mga nakakalokang events sa sarili kong big brother house. si God si big brother (good thing hindi ko naririnig talaga ang boses nya) housemates ang pamilya.

masasabi ko nalang... "si big brother talaga remind ng remind..."

sa palagay mo, ang buhay ba parang career? career as in job. trabaho.

no??

no.

kasi sa career, kailangan mong magapply to be employed.
sa buhay walang apply, apply. employed ka agad.

hindi naman habang egg cell ka palang sasabihin mo na, "gusto ko pong maging si angel baron."

after mo ma-hire, trainee ka fo a specific amount of time.
sa buhay, trainee ka forever. at the same time, regular employee (gulo?!)

habang buhay kang tinuturuan. minsan same mistakes pero you never learn. you never really learn.

meron silang tinatawag na "vicarious learning" where you get to learn from other people's experiences. you don't really have to experience it.

back then i don't really believe in vicarious learning. i don't even know what vicarious means. but then circumstances showed me that it is possible. i always want to learn first hand (which is not really good). mas masakit pag naexperience mo talaga. so bakit pa? makinig ka nalang.

hindi mo naman talaga mapeperfect ang buhay (kahit gusto ko siyang perpekin) kasi ang hirap.

pwede ka rin namang maging "employee of the month" pero minsan yung mga ganun, wala nang kaibigan. sinakripisyo ang lahat, masyadong kinarir ang buhay up to the extent na inapakan na ang ibang tao.

sabi din nila may "transition period" palagi tuwing may itatry kang bagong experience. parang sa trabaho, pag napromote ka, may transition period muna kasi io-ojt ka pa nila sa bago mong gagawing trabaho para makasanayan mo siya.

sa buhay, wala kang nakakasanayan. habits, ok sige pwedeng makasanayan. pero yung pain, kahit same old pain, once it hits you, masakit parin.

tas pag nasaktan ka ni "same old pain" ganun parin kasakit. parang nakalimutan mo na nga yung original feeling ng pain.

we never really learn.

how can we learn kung external forces mo na talaga ang nagbibigay ng pain?

its up to us. pwede naman magresign sa buhay. pero that is suicide.

suicide equals giving up.

meaning, loser ka.

vague thoughts of a sane mind

Previous post Next post
Up