siyempre galing na akong puerto tapos hindi manlang ako nangsheshare... panalo ang outing na ito dahil unang-una libre. pangalawa, 3 days 2 nights kong kasama lahat ng "virtual friends" ko. pangatlo, sobrang timing ang outing para magrelease ng stress. gawin nalang nating photo essay para masaya:
siyempre nagride kami ng van patungong batangas port. at hanggang sa point na to hindi parin ako nagsawa sa starbucks. nakakahiya ka angel baron!
pagkadaong sa batangas port ay picturan muna ang mga tao. medyo nakakadisappoint ang white beach kasi masyado nang commercialized. kailangan mo talaga magbeach hopping para makita mo ang untouched beaches ng puerto.
unang gabi: obvious naman kung anong ginawa namin. at caught in the act pa ako. haaay napaka unchristian. pero eto yata ang unang inom ko na walang hangover. at purely socializing lang. kasi naman kakatapos lang ng strategic planning. hay!
ang ganda ng smoke effect. eto ang mga oras na nagtatangka kaming tumakas ni pareng jeremy at puntahan ang famous "jorasic park: where sex, drugs and alcohol thrive." curious lang kung meron talaga. pero wala naman. haha loser.
favorite ko ang day 2 kasi major pictorial (eto nga pala ang some of mediafarm peeps) and at the same time, snorkeling at beach hopping. I Love Mother Earth!.
heto na ang start ng journey! ang saya sa boat! kaso lang umitim ako...sayang ang glutathione (tsk tsk)
isa sa paborito ko: ang haligue beach. wala ata kaming picture sa bayanan beach kasi nagsnorkeling nga kami.. hahah
panalo tong shot na to. mga batang sabik sa tubig.
nakalimutan ko anong pangalan ng beach na to pero masarap higaan ang sand niya. eto nga ata ang bayanan o long beach. hay whatever! basta ang ganda niya...
at eto ang pinakapanalo sa lahat: ang banana boat. sayang lang hindi kami nakuhanan ng talagang umaandar siya. palibhasa swimmer (yeeeees) nabore ako sa ride na parang umaandar andar lang siya. tapos tumayo ako at sumigaw ng boring. at biglang itinaob ng mga kuya ang boat namin. natraumatize pa yung isa naming kasama at natakot. ako tawa ng tawa, may sakuna na pala!
conclusion: siguro babalik ako ng puerto pero hindi muna ngayon kasi masaya na ako dahil napuntahan ko lahat. hehehe...palawan naman o kaya bora.