Dec 26, 2006 13:07
simple lang ang noche buena feast ng familia baron. parang iniisip ng bawat isa ay ang practicality. maghahanda ka ng marami tapos pagsasawaan din...ibibigay kay whitey at kay bruno pag malapit na mapanis.
pero bakit nung bata ako kakaiba ang bawat pasko. parang "i demand na bago ang damit ko pag christmas party!" ngayon, kahit uniform lang, go paskuhan. tapos kahit medyas gusto ko bago pag december 25. mamasyal sa kalye at hingi ng hingi ng aginaldo kahit sa hindi kakilala. ngayon narealize ko, daig ko pa namamalimos nun.
naiinggit ako sa mga kalaro ko kasi kaya nilang i-achieve ang libo libong papasko. ako ang pinakamalaki kong napamaskuhan ay 400++ pesos, langya di pa nag500. kasi naman, ang aking mga ninong at ninang ay nasa alabang lahat. alanganamang sadyain ko pa sila dun.
pero kahit ganun enjoy enjoy dahil dinadala kami sa mall, sta lucia east pa noon, at duon namin inuubos ang kaperahan. bumibili ako ng bubble jug bubble tape. tapos si kuya ghost busters na toothpaste candy na sinusuka namin sa jeep pauwi. manonood pa kami nun ng okay ka fairy ko part whatever, hindi ko na maalala. miyembro na pala talaga ako ng jologs eversince.
pero ang pinakanamimiss ko sa family ko ay ang pagpunta namin sa church together every december 25. teary-eyed pa ko nagsimba magisa nung pasko.
kahit mapera ang paskong ito, hindi parin masaya. hindi parin kasing saya nung mga bata pa kami ni kuya na ginigising kami ng 12mn at si ma nagiihaw lang ng barbecue tapos bubuksan na namin ang regalo finally na mga 2 weeks naming sinisilip-silip. tapos tulog na ulit.
sabi ko nga kay ma sasaya lang siguro ang pasko pag may mga baby na kaming magkakapatid. kelan pa kaya yun? haha...
ang lungkot kasi parang lumipas lang ang pasko na parang ordinaryong araw.
sabi nga ng statistics ang suicide rate tuwing december ay mas malaki pa sa january-november combined. pero hindi naman ako suicidal level. hello? may maganda pang career na nagaantay sakin. at asawa.