Dec 18, 2006 10:30
for you: im a bitch. alam ko yun. sorry...
wala sana akong planong magpost ngayon pero trip ko lang kasi wawa naman blog ko, nilalangaw na.
nakuha ko na ang starbucks planner ko. after 1.5 months of paghihirap, pakikipagaway sa sticker, pamimilit ng mga tao para pumayag silang ilibre sila ng christmas special, at paglalasing sa kape, nakuha ko na siya.
may nabasa akong novel. may tao siyang inaantay. tapos nung dumating na yung tao, hindi na siya masaya. kahit inantay na yun buong buhay niya. akala niya pag dumating na siya, super sasaya na siya. hindi pala.
parang ako. tagal kong inantay makuha tong planner. tapos nung nakuha ko na, ayoko na pala. hehehehe... hindi naman super ayoko na. hindi lang pala siya ganun kasaya tulad ng inaasahan ko.
abc, kelan kaya tayo mananalo...at ano kaya ang kailangan nating gawin para manalo tayo...o forever na ba tayong hindi mananalo hangga't nanjan sila...gusto ko na!!!!!!! gusto ko na!!!!!!!!! nagwawala na ang kalooban ko!!!! waaaaaaaaa!!!
super laki na ng improvement nila (namin) pero bakit hindi parin namin makuha kuha. at superb ang performance nila nung friday. pero bakit maramot ang kapalaran at mapagkait ang tadhana? baket! bakeeeet!
gusto kong magfasting para sa ikagagaling ng abc.