Dec 06, 2006 15:56
mga nakakatawang natutunan ko lately (shet):
1. ang etits pala ng rabbit ay parang barena (sa mga hindi nakakaalam kung ano ang barena, ito ay gamit pangmekaniko na ang dulo ay parang screw na may swirl swirl). paano ko nalaman? hindi ako nagcommit ng bestiality ha! napagusapan lang sa bahay kasi may rabbit kaming lalake. in short, hare. at pareho sila ng etits ng bibe (nanay ko daw napanood niya noon ang umaaksyong mga bibe). walang awang inapakan ang ulo ang babaeng bibe tsaka tinira. parang quickie lang daw.
gusto ko din maapakan sa ulo. joke!
2. posible pala na ang isang magandang babaeng marunong magmaneho ay mahuli ng mmda tuwing siya ay nasa kalsada. at lahat pala tayo ay instant arista pag anjan na ang mga buwaya. bigla nalang daw silang may namatay na pinsan (kunwari) at nagmamadali kaya nagoverspeeding at beating the red light. kapagka din pala nagbigay ka ng lagay, hindi nila nalalaman agad kung magkano kasi sinusuot agad sa bulsa. at nadadaan din pala sila sa pacute. pero pag hindi sila tumanggap ng lagay, mas mahirap kasi kukunin mo pa sa lto ang lisensya mo at aatend ng seminar. (sige na nga, commute nalang ako forever)
3. pag pala buntis ka dalawa ang guhit sa pregnancy test at lalaki pa ang boobs mo. sabi ko na nga ba kailangan ko na maghanap ng mexican dream boy.
4. ang palagay pala ng economists sa mga call centers ay tagasalba sa naghihirap na pilipinas. pero iba iba ang pananaw ng young professionals ukol dito. lalo na sa mga makasariling tulad ko.
5. ang safest place sa jeep ay sa likod ng driver. kahit mukha kang kawawang tagaabot ng bayad. at bakit nga ba may certain level of proximity na minemaintain kung saan mas magiging kumportable ang katabi mo sa jeep? gusto ko sanang alamin ang mathematical computations ng distance between two people para maachieve ang state of pagiging comfortable. grabe talaga ang body language sa jeep.
6. meron palang mga kantang kalibugan like green eyes ng dsound. level ang descriptions!
7. kahit magaling ka magbigay ng advice, hindi mo parin maadvisan ang sarili mo.
8. uso pala ang sex talks sa corporate world at OP ako.
9. yes its official. im a certified boring person! bakit ba favorite ko ang research at ang writing?! leche. then i find it sooo disappointing pag yung closest na nakuha kong article eh kailangang bilhin. why cant just they let information, substantial information, accessible to mankind?! of course angel, it's not possible. writer ka din. feeling mo naman kikita ka kung free..
quoting from "the devil wears prada" movie:
Doug: I got my dream job!
Lilly: a researcher?
Doug: Yes! Im so boring...
(everyone laughing)
disclaimer: the lines are not accurate.
10. pangit pala ang organizer ng starbucks this year at narealize ko yun kung kelan anim na stickers nalang ang kulang ko...
analysis: masarap mabuhay.