Food Meme & Beauty Gaming

Jun 16, 2007 02:41

i. memeage
Ran into this fun meme at Wifely Steps and I had so much fun answering it. It's all about food! Tagging anyone who understands Tagalog on my F-list. For my non-Filipino speaking friends, let me indulge in this vernacular rambling. I had a blast doing this survey. I guess all the Filipino writing is a refreshing change from what I usually do.

Ano ang iyong almusal kanina?
Wala! Pero nag hot chocolate ako pagdating sa trabaho. Kakabili ko lang na Japanese hot chocolate, gawa ng Morinaga. Mantakin mo bang may shot daw ng Remy Martin yun? Di ko alam kung totoo, ipapabasa ko pa sa kaibigan ko ang nakasulat. Mahirap I-feature sa blog pag di ko alam ang nakasulat sa pakete.

Ikaw ay may itlog - nilagang itlog. Paano mo ito kakainin?
Purist ako. Dapat rock salt. Kakainin ko muna yung puti, pag ubos na, saka ko nanamnamin yung pula. Panalo!

Ano ang paborito mong local na junkfood?
Potato Chips na plain ng Oishi. Tsaka Tostillos ng Jack en Jill, depende sa mood. Pero ang hindi ko mahindian, yung chichacorn / chichapop / popcorn. Basta yung fluffy na mais---parang popcorn na hindi tumuloy ang pagputok. Meron sa iyong suking Jollyjeep.

Ikaw ay kinuhang TOP CHEF sa isang engrandeng pagtitipon. Ano ang iyong ihahain sa mga bisita? (Note: Ang mga pagkain na ihahain mo ay ang mga alam mong lutuin. Bawal magsinungaling)
Hindi ba pwedeng group effort? I jujudge ba ako ni Tom Colicchio dito? Kailangan bang matira ako sa competition o kahit babay na ako next round?
Appetizer: Asparagus na balot ng beef. Okay to, walang sablay, maganda pa tignan.
Soup: Bad trip. Mahina ako sa soup. Pwede bang instant soup-as na lang? Wala na, tigbak na ako agad.
Salad: Mesclun na may mango, shredded kani, grapes, jicamas (ganda pakinggan ng singkamas no? parang imforted) at ang aking sikat (sa opis) at ispeyshal na Poppy Seed Vinaigrette. Sowsi tignan, di lang nila alam, faker yan sa dali.

Kung ikaw ay makakain sa restaurant ngayon din, saang restaurant ka pupunta at bakit?
Kung iba magbabayad, sa UCC. Kung ako magbabayad, pwede na sa tabi-tabi. Kung pwedeng mag-ilusyon, sa Morimoto para at least natikman ko luto ng isang authentic na Iron Chef. O kaya kung saan man nagluluto si Tyler Florence kasi kras ko sya. Ay, runner up rin pala, titirahin ko yung mga high class na restaurant sa Roppongi. Para makakain ako ng tunay na Otoro. Siguro pwede na ako mamatay pagkatapos nun. Ay, gusto ko rin palang mag guest sa TV show na SMAP x SMAP at gusto kong kumain sa Bistro SMAP segment nila. Kasi naman si Kimura Takuya nandun. S'ya pa lang, ulam na!

Saang restaurant mong gusto makapunta, pero di ka lang nakakarating pa?
Ay mali. Ayun pala, yung ilusyon mode ko sa naunang item. Pero kung realistic, gusto kong kumain sa lahat ng masarap na restaurant sa may Quezon City dahil kalayo nun sa akin at hindi ako umaabot.

May pizza sa harap mo. Ano ang ayaw mong makitang topping sa pizza mo?
Ground beef. Di ko type ang pizza na may ground beef. Pag ala na akong makain, kakainin ko pero kung pwede sana, walang ground beef. Masaya na ako sa Mushroom and Pepperoni, Margherita at Quatro Formaggio. Minsan gumawa ako ng pizza na may kesong puti at fresh tomatoes. Haaaay, ewan ko ba kung ba't di naulit e ke-sarap n'ya. Siguro tamad talaga ako.

Ano ang madalas mong orderin sa Jollibee?
Pwedeng Chicken Joy, pwedeng Burger Steak meal, pwedeng Palabok. Hindi ako kumakain ng hamburger sa Jollibee (yung sandwich, burger steak okay pa ako). Mabibilang sa isang kamay ko kung ilan beses ako kumain ng Jollibee yumburger sa buhay ko. Ay, pero ang super miss na miss na miss ko na e yung Chunky Chicken Sandwich ng Jollibee. Sheht. Luma ang Chicken Mayo sandwich ng Delifrance sa sandwich ng ating friend na si Jolliee.

Paano magluto ng Sinigang? Marunong ka ba?
Oo naman. Ang linaw linaw ng nakasulat sa likod ng Knorr Sinigang Mix e. :P

Ikaw ay may fried chicken sa harap mo. Ano ang dapat niyang kapartner para masarap ang kain?
Depende sa fried chicken. Kung Max, dapat Jufran. Kung Jollibee, dapat gravy. McDo hindi ko pinapatulan manok nila. Pwera nuggets. Kung nuggets BBQ sauce. Kung Chicken fingers gusto ko honey mustard. Kung yung old-fashioned Fried Chicken na luto ng lola ko (sumalangit nawa) walang sauce. Ganon s'ya kasarap magluto.

Kumakain ka ba ng dinuguan? Alam mo ba kung saan ito gawa?
Oo, pero nasa kolehiyo na ako natutong kumain ng dinuguan. Sarap, lalo na kung may puto. Bobo ko talaga, sarap mag dinuguan ng lola ko hindi ako kumakain nung bata ako. Pinsan kong half-Pinoy lang at laki sa States, kumakain ng sabaw ng dinuguan. Sarap na sarap pa s'ya sa chocolate stew. Syempre hindi namin makayanang sabihin kung ano yung "chocolate" sa chocolate stew n'ya.

ii. this is why the nds rocks
A beauty regimen game on the NDS? What will Nintendo think of next? First there was that Cooking Navigator--an interactive cooking guide / cookbook, now a Beauty Navigator.

Quoted from a news feed:
"Dream Skincare" is part of recent efforts by Nintendo Co. to attract newcomers to gaming. Until recently, the gaming crowd has largely been young men fond of shooting and sports games.

Players input their daily body temperature and weight by marking a graph that shows up on the touch panel, according to Konami Corp. The game, which Konami describes as "beauty navigation software," asks questions that the player answers such as skin tone and smoothness, as well as exposure to sunlight and hours of sleep. Advice on a daily regimen for healthy skin pops up on the screen, including directions to drink more water, or to eat apples and ginger, food that had a reputation for warming up the body.

Nintendo DS Lite, you rock my world!

(Read more about Dream Skincare at here.)

memeage, techie luv, food, sakura-hime

Previous post Next post
Up