(no subject)

May 31, 2009 16:51

Growing up is never easy. Dealing with life. Reality.
Heroic minute.
Wake-sleep-wake. Nakakasawa. Pero I still believe that I can be saved. And maybe this is where I'm supposed to be. Here. Now. It's rewarding.

Yung simple fact na may patient ako na nagkaroon ng tracheostomy, na nagkaroon ng stroke, at vascular dementia, at debilitated. At mahigit 90k ang hospital bill at yun nalang kailangan para makauwi sila. At ang bait-bait ng mga anak niya, ng mga apo niya. Kahit sakin. Tipong chibog lagi binibigay sakin. At lagi kong napapa-suction yung trache niya. Tapos tapos tapos last day dun niya lang ako binigyan ng ngiti at ginalaw niya yung toes niya. GANUN lang nakakasaya na. At yung pasyente ko ngayon, SLE. Na ang 2-year survival e 50% lang. LANG. Kasi may PHPN. At ang bait nilang lahat sakin.

Yung ganun lang.

Sabi ni Carly ang bait ko raw sa mga pasyente ko. Paano ka hindi magiging mabait sa mga napakagandang tao? wala akong pakialam kung paano nga ba talaga sila sa "tunay" na buhay nila sa labas ng ospital, kapag walang sakit. Kasi dun sa saktong moment na andun sila, na nakakausap ko sila... yun yun e. Yung magkaron ka ng koneksyon sa ibang tao. Magkaroon ng silbi sa kanila, kahit gaano ka liit o ka-olat. It's... priceless.

I'm here. Where I should be.

Also. Stuff. Hehe. Ange! See you tuesday. :)
Previous post Next post
Up