Oct 19, 2006 08:05
Nasaan ka na? Kay tagal na kitang hinihintay. Hindi lumilipas ang isang araw na hindi kita naiisip, inaasam na makita. Nais ko nang magising isang umaga at malaman na narito ka na. Nahihirapan na ko sa kakahintay sa pagdating mo, sa pagiisip kung gaano pa katagal bago ko makita sa cellphone ko ang pangalan mo at malaman na ito na nga. Ito na ang araw na pinakahihintay ko, dumating ka na sa wakas. Sana mabilis na lamang bago ang pinaka-aasam na pagdating mo. Ngayon, ilang oras na lang at narito ka na sa buhay ko. Bilisan mo ha. Bakit kasi ang tagal mong dumating...Friday?
Gusto ko nang magsembreak eh.