PRIVATE
binangungot akong dalawang beses kagabi. 'yung sa una kinakain ako ng gorilla ng buhay. sa pangalawa binabakli naman ako sa limang piraso. limang piraso talaga. bakit kaya limang piraso pa? may ibig sabihin ba 'yon? buti na lang gising pa si jing ng madaling araw at ginigising niya ako. pero bakit nga ba gising pa 'yon nang madaling araw? may boypren na nga ata talaga e. pero 'di ko na tinanong kasi pasalamat na nga lang ako na gising pa siya e. ._.
tae tapos kanina naman habang nagbibisita iglesia kami nakakatulog ako sa sa sasakyan tapos may na-flash na mga imahen ng gorilla sa utak ko. ano ba 'yan. ._.