PRIVATE.

Feb 03, 2009 02:38


PRIVATE.

nasaktan ko siya. 'di ko inakalang kaya kong gawin 'yon pero 'eto.

sabi niya pag-iisipan daw niya. sa ngayon daw, isipin ko muna na wala akong girlfriend. putangina pa'no ko gagawin 'yon? pero tangina, tinatanong ko 'yon kahit nahalikan ko 'yung putanginang pokpok na 'yon. baka kaya ko ngang gawin 'yon. 'di ko man lang maalala kung naisip ko siya nang gawin ko 'yon.

pero pucha, kailan ba ako nag-isip? tangina, 'eto na naman e. sabi ko mag-iisip na ako mula ngayon, pero ano? gano'n pa rin. nakilos na naman ako nang padalos-dalos.

ngayon ko lang ginusto sa buong buhay ko na maglaho nang parang bula. 'yun nga lang, 'di naman pwedeng mangyari 'yon. kasalanan ko 'to, kailangan kong panagutan.

kung mag-desisyon siyang tapusin na lang, ano'ng gagawin ko? kailangan kong tanggapin, wala akong karapatang pagpilitan ang sarili ko dahil ako talaga ang mali, pero kakayanin ko ba?

'wag ko daw kakalimutan. bakit? 'yon na ba ang huli? ayokong isipin ang gano'n. gusto kong isipin na may pag-asa pa, kahit na alam kong wala akong karapatang humingi ng isa pang pagkakataon, kahit alam kong nasaktan ko siya, at maaari ko pa siyang masaktan ulet. makasarili na kung makasrili, pero mahal ko talaga siya. ayokong maghiwalay kami. hindi ko maipa-pangakong 'di na 'to mauulit, pero susubukan ko talaga.

sana sapat na ang isang simpleng sorry o ang ilang tulo ng luha para ayusin ang nangyaring 'to. pero hinde. hindi talaga. ano ba'ng kailangan kong gawin?
Previous post Next post
Up