kakayanin ko nga ba?

Nov 24, 2009 00:44

"...I would go most anywhere to find where I belong"

Madaling sabihin, mahirap gawin. Potek. Gasgas na linya nanaman. Ewan ba...

Hmm.. Paano ba..

Paano kung may nabuo ka nang "security blanket" para sa sarili mo? Pwedeng may tao na nagmamahal sa iyo at mahal mo, may magandang trabaho - di kinakailangan gusto mo pero pwede na, atbp.

Pero kahit na meron ka nang "security blanket", alam mong may nangungulit-ngulit jan sa utak/puso/anuman mo na nagsasabing para sa ibang bagay ka. Akala mo pang-teacher ka, pero pagtagal may sariling business ka na pala. Ewan!

Andami ko rin gusto mabili - telescope, kotse, bahay at lupa, video game consoles, atbp. Pero pakiramdam ko (or gusto kong isipin) na graduate na ako jan. 'Yun tipong, ok kung meron pero ayos lang din kung wala.

Saan na nga ba patungo itong entry na 'to? Sa totoo lang, ewan. haha...

Kung wala lang problema sa buhay, alam ko na (ata) kung saan ako patungo. Pero merong problema. Edi, paano na?
Previous post Next post
Up