sa aking tala

Dec 09, 2004 13:35

ulila ng gabi
hikbi ng yagit
pag-asang sawi
walang hanggang pait

lumisang mga tala
pamamaalam
pangungulila
dukhang lumuluha

pangaKO ng panalangin
ni minsa'y di dumating
tanong ng kahapon
nilimo't nabaon

nagihihingalong liwanag
muling naaninag
kislap nya'y binigay
matatahak muli daan ng buhay

sa kanyang pagbabalik'y nagpaalam sa dilim
susuko lahat ng galit na kinimkim
yayakap ng mahigpit sa bitbit nyang pag-asa
saklob ng pagibig nyang di na lilisan pa.
Previous post Next post
Up