Mas Matalino and Tubig

Jul 20, 2007 16:02

MAS MATALINO ANG TUBIG
Rio Alma

Mas matalino ang tubig;
Bumababa ito nang tahimik
Mulang bukal sa bundok
Para di magising ang mga hayop.

Lumilihis ito sa marahas na bato
Para agnasin nang marahan at sekreto;
Nagtatago ito kapag galit ang araw
Para bumalik na masayang ulan.

Marunong din itong matakot sa talon, 
Magtiwala sa lilim ng kahoy,
Magsuspetsa sa talampakang maputik,
At mamahinga kapag nag-iisip.

Ang tubig na matalino'y
Dumadaloy nang yuko ang ulo
Ngunit nag-iiwan ng mayamang bakas
Bago sumanib sa dagat.

WATER IS SMARTER
(Translation by Marne Kilates)

Water is smarter;
Quietly it descends
From its spring in the mountains
So as not to wake the beasts.

It avoids harsh rocks, only 
To wear them away slowly, in secret;
It hides when the sun is furious
Only to come back as cheerful rain.

It knows how to fear heights,
It can trust the shade of trees,
Or distrust mud-caked feet,
And take a bit of rest to think.

Smart, clever-minded water
Flows humbly, with bowed head;
But it leaves richness in its wake
Before it joins the sea.

poetry

Previous post Next post
Up