Prologue...

Jun 25, 2008 17:13

6.25.2008
12.06PM
6.52A MSE

Anong gagawin mo kung isang araw gumising ka lahat ng mahal mo sa buhay ay wala na?

Wala kang ibang gagawin kundi ang humanap ng paraan kung paano maglaho sa mundo… Naghahanap ka ng paraan para lumaho at gusto mong saksakin ang sarili para magising sa katotohanan na tapos na ang lahat at wala na pwedeng magawa.

Sino kaya ang pwede pang maging kakampi? Sino pa kaya ang pwedeng umunawa sa yo? Sino pa kaya ang pwedeng magmahal sayo?

Pero paano kung ikaw pala ang naglaho at hindi ang mga taong mahal mo…

By: Juan Kastila
8.20.2002
Previous post Next post
Up