sa wakas! umalis rin yong isang ka opisina ko dito na saksakan ng bagal at late. may isa pang natira, ewan...wala na atang balak pang umalis.
bakit sya umalis? PERSONAL PROBLEM daw? haller! dapat sana ang last nya this thurs. pero ayon di na sumipot simula nong dos. Kaya galit na galit na naman yong amo ko sa kanya dahil sa ginawa nya. bakit kasi nilagyan pa ng 12 ang date ng resignation eh, wala naman palang balak pumasok na. balik tayo sa kanyang personal problem...bakit ko nalaman? eh, tumawag lang naman ang kanyang pader sa amo naming pinoy para sabihin at humingi ng dispensa sa pinaggagawa ng anak nya. syempre sinabi ng amo kung pinoy na hindi nya alam yang mga perso-personal na problema dahil nga PERSONAL (ano bah!) at sabay banat na galit na galit yong amo naming italian sa anak dahil sa ginawa nya. Dahil wala naman talagang magawa ang opisina kung lumayas ka pero sana naman inaayos nya paglayas nya dito. gaya ng pagtapon ng kanyang pagkadami-daming basura. mga files na hindi nya binalik sa dapat kalagyan. mga invoices na kung san-san lang nilagay. table nya na ewan , kung matawag mong table yon ng isang babae, bukod sa makalat at maalikabok, one yr. na atang di man lang pinupunasan nya ang kanyang table, eh kung san-saan pa yong mga papel na scatch sa table at sa ilalim ng table nya. grabe! hindi man lang talaga nilinis, burara talaga!
masaya na ako konti sa opisina dahil nabawasan na ang mga biatches. kelan kaya aalis si day-off? sa pagkakaalam ko hindi daw sya aalis. oh, well...okay lang, hindi naman kami nag bu-bump non sa work. sa tanang buhay ko dito sa opis namin ngayon lang talaga ako sobrang naiinis at naiirita sa mga pinay ko na mga kasamahan. buti na lang ang ipapalit sa nong nag resigned eh, indian. at least mahasa kahit konti ang aking english wahahaha!