sarap kumain...

Oct 08, 2005 19:27


sa wakas natapos rin ang concert namin sa humanities subject. ang palabas ay ang final exam namin. medyo nakakapagod ang preparation pero sulit naman kahit papaano. medyo nalungkot din ako ng konti dahil mabilis talaga ang oras. natutuwa ako at may mga nakilala akong bagong kaibigan kahit sa maikling panahon lamang. hindi ko man sila napasalamatan lahat, sa aking kalooban ay lubos akong nagalak at natuwa.

graduating na rin sana ako next year kung hindi lang ako nag-transfer ng eskwelahan. ngunit ganun talaga. lahat may purpose. God has the best plans. ayan napa-ingles na tuloy ako dahil mahirap din pala kapag tuloy tuloy na tagalog. ang bilis talaga ng oras at panahon. sana makita ko pa ang mga bagong kaibigan na ito sa hinaharap.

katatapos ko lang kumain. nabusog ako ng sobra-sobra haha. haaay sarap matulog. ngunit exam week na next week at marami pa akong ipapasa na requirements. sana matapos ko lahat para masaya ang sembreak ko.
Previous post Next post
Up