Kagabi palang declared na na walang pasok sa northern Luzon dahil sa bagyong Helen. So akala ko dun lang magiging malakas ang ulan! Dito naman kase sa NCR bugso bugso lang, keri pa...
Eh putek paggising ko kanina anlakas ng ulan! Ang aga ko pa namang gumising dahil di nako pwedeng ma-late tas biglang sasabayan ng malakas na ulan! PUTEK! Pano pako makakaabot on-time nyan! Aish! Sa tricycle palang super basa na kagad yung suot kong bermuda shorts at nagpuputik narin ang paa ko.
Pagdating ng Quezon Ave mas nagngalit si Helen. Ang hirap na sumakay. Bra ko na lang ata ang tuyo! Nyemas halos maligo uli ako sa sobrang basa!
Nagtext na sakin si Ate Jane na baha na sa tapat ng office! Hindi na passable. Kumusta naman kase pag nagbaha dun hanggang bewang! So tumambay at nakiupo na lang muna kami dun sa banawe. 10:30 na di parin humuhupa. Nagbabalak na nga kaming mamasyal nalang sa Megamall pag pinauwi kami! Sabi ng mga kinauukulan maghintay hintay at tingnan tingnan nalang kung bababa yung baha! Pagdating ng 11 humupa na so wala ng rason para macancel ang pasok!
Helen naman oh, di mo pa tinodo! Naglunchbreak ka pa! Tuloy may pasok kami! Panira ng mga pangarap! Tas ngayon umaariba ka na naman! Basa nanaman pag-uwi! Kaines!
Pasalamat ka walang mga bossing kaya peteks. Ang workload lang namin: ang mag-shred ng old cheques hehehehe.
Habang poreber nagsa-soundtrip ng BOCHOG! At eto nagba-blog! Hahahaha!