Angels & Demons

May 20, 2009 07:19

Finally, after 14 days, natapos ko ring basahin yung book. Hahaha. Kabagal! Ang kapal kase tapos madami ring siningit na gawain kaya natagalan. Syempre ngayon ko lang yan binasa dahil lumabas na yung movie. Hahahaha

Define nosebleed! Nakakabobo yung terminologies. Hahaha. I had to read back pages para maintindihan ng husto. I've learn some things. I found out that exposed legs were not allowed in Vatican City. Poor Vatican boys. Hahaha! Abbie di tayo pwede sa Vatican City. XD

Matagal bago ko ma-analyze yung mga events. Slow talaga. Pag naiintindihan ko na, ako: "Oo nga no. Kaya pala ganun." Ang tama ko lang ata, yung hula ko na sadyang pinatay yung Pope just to have Conclave. Saka na baka anak ng Pope si Camerlengo Ventresca. Yun lang. Hahaha. Tapos I had a hard time imagining the places. Antagal na kase nung Humanities ko, di nako aware sa architectures ng Rome.

Nagandahan ako sa twist. Astig! Pang-henyo. I didn't really see it coming. Nadisappoint ako kay Camerlengo, nabilib pa naman ako sa kanya nung una. Hmp! Affected much? XD

Nanood kami kanina nung Angels & Demons movie. Isa lang masasabi ko: Whatever Father!

Kakainis andaming binago, pati nawalang key characters. Super disappointing nga. Pati yung relationship between Camerlengo at Pope di na sinabi. Pati yung helicopter ride nina Langdon wala. Habang nanonood, diko maiwasang mag-comment at magkwento.

Bean: Wag kang maingay. Madaming tao. Spoiler ka!

Wahahahaha. Buti di ako pinalabas ng sinehan. :D

Nakuntento nalang ako sa pag-rolleyes, sarcastic smiles at pag-whatever father pag naiiba na yung kwento. Though nag-enjoy ako sa mga sites. Ganda ng Rome at Vatican City.

Buti nga libre yung movie kaya ok lang kahit big disappointment yun! Hahahaha.

Sucks!

Previous post Next post
Up