Almost There

Mar 17, 2007 20:05

Malapit na matapos! Ilang araw na lang!

Hm... Anyway...

Kahapon... I went to CRIBS with the Tugoners para makisali sa quarterly birthday celebration nila at sa 18th ni Marie. Haha! Natutuwa ako. Ang saya sumayaw. Medyo natouch ako na umiiyak ang mga girls dahil hindi na raw nila makikita ang mga seniors. They'll really miss them. Lagi nilang hinahanap sila. Even I was surprised na nagagalit sa akin ang isa sa kanila dahil aalis na rin ako. Ehem... Sophomore pa lang ako. Haha! 2 more years.

Well... Bago ako nakapunta doon...

Nacancel na naman ang report namin sa Sci10. Hay... Next week na naman... Namadali ko ang Orals ko sa Sci10 para makasabay kina Camille and Donna. Haha!

Kanina... Nagtest ako sa Acc15. Final Accounting test ever! Sabi nga ni Angel na never ko magagalingan iyon dahil confident na kami. Paano ba naman. Assured na kaming papasa. Why not? Haha! Totoo naman. Ang hirap din naman nung test kanina. Haha! Oh well... I hope maka-B ako... Para B ako sa Acc15.

I love Tugon! I love someone... but she doesn't know. I think... I love... to be loved...
Previous post Next post
Up