Dec 13, 2009 01:13
Sa mga dapat kong puntahan kahapon, isa lang ang napuntahan ko. 'Yun pang biglaang sabi s'akin: meeting for our freshmen high school class reunion. Siyam lang kaming dumating (according to order of appearance): Ako, Wendel, Michelle T., Erica, JR Grospe, Jennalyn, Nico, Danilo, at Daniel. Hindi nakarating ang iba. Sayang. Pero ayos lang. Meeting lang naman 'yun eh, na medyo reunion na rin.
Nauna kami nina Erica at Michelle umuwi, pero mas nauna si Danilo. Nag-cab na ako kasi mahirap maghintay ng jeep; baka wala na ring dumaan.
Loko 'yung cab na sinakyan ko. Kasi naman, ang lapit lang ng bahay namin sa Market! Market! at hindi naman traffic pero ang bilis ng metro ng cab niya; from P72.50 bigla ba naman daw maging P80.00. Tingnan natin kung di aabot sa LTO 'yun. Dahil kuripot ako, at nasa mood magsungit, P60.00 lang ang binayaran ko. Pero hindi naman talaga ako nagsungit. 'Yun lang, hindi ko alam kung mabait 'yung cab driver or nadala lang ng stern voice ko.