Welcome back, real life!

Jul 17, 2009 05:00

I wasn't able to go online for so long~ @___@
Somehow, maganda rin...para concentrated sa studies. (aysus~ may pa-studies-studies pa 'kong nalalaman! XDD)

So, alam niyo bang....nadukutan nanaman ako? :D
YES~! Nung Saturday, last week.
And it's....harder (physically)...the second time around.
Wallet naman ngayon dinukot sakin. Bastos nga yung magnanakaw na yun eh...andun nalang din yung cellphone ko, di pa kinuha! XDD Walangya...talagang pinamukha saking poor to da maxest level ang Nokia 1100 ko eh. XD Nakakatawa. XD

Basta....wala akong ibang masisisi kundi ang sarili ko. Yun lang. Napaka-stupid kasi at wala sa sarili. Kung saan-saan kasi lumilipad ang isip eh...yan tuloy. Nadudukutan.

Bakit kasi naman kung kelan marami akong dalang pera tsaka niya 'ko tyempong ninakawan. Bakit hindi nung super taghirap ako para naman hindi masyadong kawalan? Huhuh. Iniisip ko pamandin nung umaga na iwanan ko sa bahay yung 200 ko...pero dinaig ako ng katamaran na pumasok pa sa loob ng kwarto. Haaaay~ Bakit naman ganyan.

At bakit physically harder this time, you ask? Kasi, naglakad ako pauwi. Opo.
Galing kasi akong school non...pagkababa ko ng bus, alam ko talaga, nasa bag ko pa yon...kasi nakalagay sa harap ko yung bag ko until makababa ako.
Nung naglalakad na 'ko papunta sa overpass, nilagay ko na sa likod ko. Kasi...syempre! Sa likod naman talaga nilalagay dapat ang backpack noh! Pero di sa outer pocket dapat nilalagay ang valuables. Tanga ko talaga...di pa kasi natuto from the first time eh! (Ngayon talaga, nilalagay ko na sa mismong loob ng bag yung wallet at cellphone ko. =___=)

Ayon...habang malalim ang iniisip ko't mabagal akong naglalakad sa overpass.....feeling ko, dun ako nadukutan eh. (Feeling ko talaga, doon.)
Pero unlike the first time, ito, hindi ko naramdaman. Masyado talagang malalim iniisip ko non eh...
Basta lang habang naglalakad ako, kinapa ko yung bag ko...pagkapa ko, BUKAS!! Holy sheep!! Tinignan ko agad!~ SHYET~ Nakuha ang aking wallet. Huhuhu. (TT_TT)
Ayon....ang haba ng nilakad ko. Ayan, lalo tuloy ako nakapag-isip! Patay na patay pamandin paa ko non kasi yung sandals na suot ko, masakit sa paa. Hahay~ shyaks~~!
Buti nalang...hindi umulan. Thank you talaga, Bro! :))

Pagkauwi ko, sabi ni ina, sana daw nakitawag ako okaya nakitext sa ibang tao....
Ay....ayoko nga. Masakit sa pride yon. XD  Tsaka feeling ko walang maniniwala sakin. :P
Tsaka alam ko namang kaya kong lakarin kasi nalakad ko na yun once dati eh.
Sabi naman ng kaklase ko, sana nag-1-2-3 nalang daw ako sa jeep. XD Hahah. Ayoko nga, dala-dala ko pa sa konsensya ko  yon! *pfft*

So...ayon lang naman ang isa sa mga pinaka-major happening sa buhay ko lately.

Oh yeah...I got a new cellphone!! XD MUAHAHAHAH~! Mas madali nang mananakaw. XDD Mas dapat ingatan.
May nagbigay kasi kay ina ng one of those China phones. :-S Although, I'm not really a big fan of those kinds of phones...at least, it's good enough until I save up for the phone I really want. Anything's better than that old Nokia 1100 na 5 hours lang ang battery life. XD Ugh.

So yeah....madami pa sana akong irereklamo tungkol sa school life. Pero ayos na yan...sa susunod ko nalang kayo bubulabugin ng rants. ^^

BAIBAI~!!

Previous post Next post
Up