Mar 27, 2009 16:16
...makiki-ride nalang rin ako. XD
Isang taong na kasi ang nakalipas simula ng grumaduate kami ng Highschool. :3
Exactly nung March 26. Yess....reminiscing ito. XD
*shing shing shing* [sparkly background music cuing flashback]
Naalala ko pa non, medyo late-late pa kaming dumating sa venue....kasi....wala lang. XD Na-late lang kami ng gising nila inay. Di naman ako nag-pa-parlor. XD Sadyang late lang kami talaga. Hahaha.
Tapos, pagdating namin, dyusko-ness....Pabonggahan sa gown. Pabonggahan sa hair. Over-over sa picture-an sa labas ng Tabernakulo. Lahat na ng pwedeng mahatak, nahatak na para magpapicture. XD Pati old friends....pati teachers....kahit nga hindi mo kakilala eh...papicture ka na rin. Sayang naman eh. XD
Tapos, pagpasok sa loob ng Tabernakulo, todo retouch...kasi na wear-off na ang make-up sa byahe at picture-taking sa labas. XDDD Grabe, hirap na hirap pa 'kong ikabit yung cap ko noon, kasi sira yung sa may likod. Basta, lumuwag siya. tapos bumabagsak-bagsak siya.
Tapos sa marcha!! Naku, grabehan sa panic. XDD Parang walang kwenta lang rin yung ilang araw naming pinractice na graduation march, kasi pagdating sa mismong araw....ayun, kulang kulang ang pila namin nang magsimula ang tunog. XD Halos lahat ng boys namin, nawawala. Ayun! Nasa labas, pumo-pose-pose parin. XD Grabe, gulong-gulo kami non kung anong gagawin. Kasi, bawal mag-leave ng gap...kaya ayun, kung ano nalang pagkakasunod-sunod namin, yun na! Kahit may kulang, bahala na! Basta ganon! XD
Tapos pati yung parents, nagkakagulo na eh. Kasi wala sila kaalam-alam. Basta. Grabe talaga. XD
Pero, in the end, inayos nalang namin nung isa-isang tinawag sa stage.
Grabe talaga yung paglalakad ko non sa stage, kasi yung cap ko nga, nalalaglag. XD WAHA. Hirap tuloy.
Yung isang kamay ko, kinuha ang diploma, tapos yung isa nakahawak sa cap. Tapos...dapat may isa pa, pang-shake hands sa school official na nagbigay ng diploma.
Na-confuse tuloy ako....dalawa lang ba talaga dapat ang kamay ko? :S
Tapos nakakatuwa pa non, kasi pagdating sa kabilang dulo ng stage, may picture-picture. Kasama ang guardian. Mommy ko ang kasama ko noong umakyat sa stage eh. Tapos pagdating ko dun sa picture spot, biglang sumulpot si Daddy. Aww~ gulat lang ako. :) Andun na pala siya. Hahaha. Chorva-ness toh si ama. Nanggugulat eh. XD So ayon, sumama siya sa picture. :3 Yay!
Hmm...tapos, ano pa bang worth remembering?
AH! Yung speech ng aming valedictorian. Hahahaha. Sandali, sa valedictorian ba yun o yung sa guest speaker?Ah! Tama, yung sa guest speaker. Sa rehearsal kasi namin, pagtapos ng speech na yun, tatayo kami't papalakpak...Hahah, naalala ko, grabe, half-way through the speech, nakatayo na kami. WAHAHAH. XDD Paano kasi...akala namin tapos na, di pa pala. Ibang klase rin kasi mag-speech eh. Parang puro closing remarks. :)) Parang collection ng closing remarks na ginamit lang na speech. Heheheh. joke.
Ayon, dineclare na kaming graduates. Gusto kong ibato yung cap. Bawal daw. Pero what the hell.....binato parin nila. XDDD Hahahaha. Mga pasaway. XDD
Tapos, ayon. Ano pa ba ang sunod? Ayon~ yung offering na ng flowers sa parents. Tae talaga yun. =']
Nung inaabot ko yung rose kay ina, sabi niya, kay ama ko daw ibigay. Tapos tae, nung inabot ko kay Dad, sabay kiss...tapos ewan ko....basta, naiyak nalang ako bigla. Siguro dahil sa matching background music namin non. [Farewell] eh. XD Heheh. Na-e-emotional tuloy ako. Pero, ewan ko, parang "Look at me, Dad! I made it~ Gumraduate ako. :'D"...parang ganon yung feeling. XD Ewan.
Tapos lalo pang nakakaiyak...nang tapos na yung program at mag-picture-picture na with classmates and stuff. Syempre, hugging-hugging and stuff pa yan. Niyakap ko na kung sinong pwede kong mayakap. Lalo na yung mga feeling ko malabo na kaming magkita ulit. :]
Tapos syempre, after sa classmates, hinanap ko na yung mga besprendship-nesses ko. XD Hahahaha, ayun. Todo-iyak. Lalo na tungkol kay Nadz. Adik kasi tong si Nadz eh. Mag-f-fly na pa-abroad. XD Iwan na kami. HAHA, JOKE~ 8D
Ayan....namimiss ko na tuloy ang Highschool. *pfft* New Era University...Oh my love-hate relationship with you~
Haaaayyyyy~ BASTA!! TAMA NA NGA! @___@
Masyado na 'kong nagagalak mag-reminisce eh. XD Basta, nakakamiss talaga.
BYEBYE!!!
(Welcome back, tl;dr posts~ :D)
GOOD MORNIGHT. (*____*)