2 days since school officially ended, and I’m already bored!
Usually I fix my stuffs and clean my room when I’m bored, but I’ve already done that during neuro days (hmm… bakit kaya?). Now I have nothing left to do while waiting for my flight on tue. Kakainis naman kasi ang hirap magparebook ng ticket pauwing Palawan ‘pag holy week. Well as if I have lots of things to do there, I’ll just probably watch feel-good tagalog movies or cartoons with Jacob. Sana available na ang The Promise and You Got Me sa video shop
Hmm… ano pa bang movies namiss ko? I hope to get a nice tan too, but no beach ‘til Easter Sunday hay… sana makarami pa rin ng swimming before I get back
I want to get back before Phi goes to Dagupan pero ayaw ako payagan! Wah!
Mag-alaga daw muna ko ng baby. Btw, ‘di ko pa ata namention dito I now have a baby sister. Kamukha ko raw. Lucky girl!
Should I bring HPIM with me so I’ll have something to read in Palawan? Kidding! I’ll just borrow some pinoy romance pocketbooks from my cousins. Jologs, I know, but the characters there are really perfectly hot! Or at least I imagined them to be
And the books are only about a hundred pages long so no brainer. Bakit nga ba hindi pwedeng ganun din kaiikli ang mga med books?
Anyway, this is my song for the day. I heard it 2x this morning, and I’ve been singing it all day! I looked up the lyrics para kahit wala sa tono at least I get the lyrics right!
Tulak ng Bibig by Julianne
Tulak ng bibig, kabig ng dibdib
Di ko na alam ang gagawin ko sa iyo
Paikot-ikot lang, nalilito, oh ba’t ganito
Paggising sa umaga, ikaw ang nasa isip
Tulog sa gabi, laman ng panaginip
Mahal ba kita, o ano, ewan ko
Hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo
Simula nang makilala di maipinta ngiti sa mata
Magdamag ang kwentuhan, kulitan, tawanan
Di ko maintindihan, bakit ngayon lang
Kung kelan ang puso ko ay maselan
[Chorus]
Hindi mo lang alam
Takot lang akong masaktan
Iniingatan lang aking puso
Kung maiibibigay ko lang ang sinasabi mo
Di na sana tayo nagkakaganito
Pasensya ka na kung hanggang dito muna tayo
Di ko na alam ang gagawin ko sa iyo
Paikot-ikot lang, nalilito, oh ba’t ganito
Urong-sulong yan ang paborito
Lilitaw, lulubog, ‘tanong mo kahit sino
Pakisabi na lang
Ano ba talaga’ng gusto mong gawin ko
[repeat Chorus]
Pakiusap lang
Wag mo na akong tignan nang ganyan
Nakakatunaw ang iyong tingin
Hinay-hinay ka lang, mahina ang kalaban
Baka di na maiwasang mahulog nang tuluyan
Hindi mo lang alam
Takot lang akong masaktan
Iniingatan lang aking puso
Kung maiibibigay ko lang ang sinasabi mo
Di na sana tayo nagkakagulo-gulo
Pasensya ka na kung hanggang dito muna tayo
Hanggang dito na lang, hanggang dito na lang
Tulak ng bibig, kabig ng dibdib