19 TAON.

Mar 27, 2009 16:21



Kahapon ng umaga habang nag-aagahan kami nila Mama at naghahandan silang pumasok ni Patchie, tumawag si Papa para batiin ako. Natulog ako ulit hanggang mga 830 kasi 9 ko pa naman kelangan umalis para pumasok sa trainee shift ko sa Starbucks - salamat sa lahat ng bumati sakin sa trabaho.

Tapos nung hapon, dumaan si Pol at Kulas at nanggulo nung break ko. (GAGO KA NGA PALA KULAS, HINDI KO INAALOK YUNG CUPCAKES NA BINIGAY NI ABBY, PINAPAKITA KO LANG magpabake ka sa sariling mong girlfriend... este boyfriend sa susunod no INUPAKAN MO NAMAN AGAD.) Tumambay sila hanggang uwian at bumili naman kaya ayos lang siguro, haha.

Tapos hapunan sa labas kasama si Mama, si Patchie at Abby. Simpleng kaarawan lang, pero masaya naman. :)
Previous post Next post
Up