Jul 28, 2007 12:07
Strawberry ang binigay mo sakin nung Lunes
Kinilig ako dahil binigyan mo ako ng lollipop
Bago ka pumasok sa klase, nabanggit mo na mas
Bagay sakin ang nakalugay ang buhok
Pula.. ito ang naging kulay ng mundo ko
Lemon naman ang inabot mo sakin sa klase nung Martes
Nakaupo tayo sa isang sulok ng café nung gabing iyon
Bumabalot ang dilaw na ilaw sa ating dalawa
Namula bigla ang aking mga pisngi nang iyong pinaalala
Ang patakas nating pagsilay sa paglubog ng araw
Pula, dilaw.. mas kumulay pa ang mundo ko.
Orange ang binigay mo sakin nung Miyerkules na
nasa silong tayo ng puno
Tinago ko ito sa orange na bag ko nang
Tanungin mo sakin kung bakit mala-rosas ako kahapon at ngayon
Di ako nakasagot; nahulog nalang ang yellow pad ko sa damo
Pula, dilaw, orange.. patuloy na kumulay ang mundo ko.
Green apple ang inalok mo sakin nung Huwebes
Maasim pala.. ngunit natunaw ako sa matamis mong ngiti
Berde ang kulay ng org shirt mo
Pula naman ang aking damit
Nagkatinginan tayo nung pumasok ang math teacher nating dilaw ang blusa
At orange ang pantalon
Tayo’y masayang natawa sa ating guro
Pero ang totoo, masaya ako dahil sayo
Kinabukasan, naglakad tayo sa ilalim ng mga bituin
At pag sapit ng hatinggabi, namitaw sa aking mga labi ang lasang di ko
pa natitikman - ang iyong halik
Sa mga sandaling iyon ay sinambit mo rin ang mga salitang sobrang nagbigay kulay sa aking mundo, ang mga salitang mas higit pa sa tamis ng
mga bigay mong lollipop
“Mahal kita."
*
genius