hey jay

Jan 23, 2005 20:47

maraming nangyayari sa buhay ko ngayon pero sa sobrang bilis at dami nila, ni hindi man lamang ako naging malay upang maranasan ang lahat ng mga ito.

minsan natatakot ako, na baka hindi talaga ako ang julia na nakararanas ng lahat, baka iba siyang julia na nirerelay lang sa akin lahat nang naranasan niya para at least alam ko kung paano reresponde sa mga taong nakasalamuha niya.

sabi ng guidance counselor ko rati, may risk daw ako magkaroon ng MPD [multiple personality disorder] dahil sa wala akong kasama lagi noong bata pa ako at madalas akong maltratuhin ng aking yaya. mahilig din akong lumikha ng iba't ibang klase ng mga karakter/personalidad na gusto kong maging o magprotekta sa akin.

ngayon, tuwing kasama ko si jeff, nagreregress ako, umaasta laging bata. at hindi ko ito sinasadya. minsan, gusto ko lang talagang tratuhin akong bata ng mundo- inosente at dapat alagaan.

sabi sa akin ni gold may mga panahon daw na kapag kausap ko siya, natatakot siya dahil bigla na lang daw akong titingin sa ibang bagay at magsasabi ng mga bagay na walang kauganayan sa pinag-uusapan namin.

may mga bagay naman na sadyang hindi ko na naaalala, na mistulang mga naganap lamang sa aking mga panagimpan.

inaamin ko, natatakot ako. ayaw kong agawin ng mismong sarili ko ang aking katawan. mga emosyon. pamilya. kaibigan. katauhan.
Previous post Next post
Up