naiyak ako sa sitwasyon sa cubao. umiinom ng kape sa coffee bean sa gateway, maraming patay na

Jan 03, 2005 19:01

pagkatapos maghalo ng aking luha at ng mamahaling kapeng iniinom, ibinuga ko ang nakamamatay na usok na galing sa aking bibig na siya namang nagmula sa yosing tiyak na hindi bibilhin ni Juan dela Cruz.

siguro nga malapit na akong pumanaw dahil pagkatapos bumili ng lipgloss na mas mahal pa siguro sa tuition ni Lito Castro, naarok ko na kung ano ang aking silbi sa mundo.



kapre - 18, musikero, bum [LOA pala]
bonini - 18, rebolusyonaryo, windang, budding pilmeyker [char]

kapre
kailangan talagang patayin na lahat ng pulitiko sa pilipinas para sa social cleansing. tangina nila angara na 'yan, enrile. pagpapatayin na.

bonini
tapos niyan, babalik lang ulit sa rati. nakakatakot isipin na trapped na tayong lahat sa isang vicious cycle. tingnan mo, pagkatapos ng social cleansing na 'yan babalik lang ulit sa dati dahil ganun naman talaga.

kapre
baka nga tama rin 'yng idea ni kuya acid na patayin na lang lahat ng 50 years old and above. magandang paraan ng social cleansing din 'yun.

[tangina, umiiyak na si bonini]

o bakit?

[patlang]

bonini
tingnan mo nga naman 'tong nangyari sa cubao! may gateway mall na. reporma ng bipolar opposites na naman. 'yung mga dating nasa loob nasa labas na ngayon.

pero hindi siguro 'yun ang dahilan kung bakit ako naiiyak, kapre. kasi naman, putangina, hindi ko matanggap na putangina, nakaupo lang ako rito habang marami ang naghihirap at marami ang pinapatay para manatili 'yang mga lecheng putanginang pulitiko na 'yan na nanakawan lang naman ang bayan.

putangina, hindi ko kayang mag art for art's sake...

kapre
kaya nga tayo nasa PETA eh. tama na, wag ka nang umiyak. baka isipin nila inaaway kita.

bonini
ulul. iiyak ako rito dahil naulungkot ako at putangina kailangan ko ng videocam.
at pucha, baka nga hindi lang PETA ang kailangan ko.

kapre
eh nasa dugo mo na 'yan eh.

bonini
'yun nga eh pero natatakot ako dahil sa nangyari kay erpats pero hindi ko talaga kayang manigas habang marami na ang naninigas ng bangkay. yak, ang pangit, ng sinabi ko.

kapre
kaya nga, gamitin mo ang pagiging film chorva mo. go back to the basics kung kinakailangan. alam mo sa sobrang pagiging kumplikado na ng mga napapanood ng mga tao, hilo na sila. sobrang daming images, masyadong... ano 'yung sinasabi mo rati?

bonini
alin 'yung paggamit ng iba't ibang frameworks na biglang sisirain sa huli? 'yung pomo kunwari na--

kapre
oo 'yun.

bonini
pucha, to think pala na tayo ang sacrificial generation. tayo ang laging depressed, ang naka-realize ng mga pagkakamali ng mundo. lahat ng ito, itutuwid ng susunod na henerasyon para umayon ang lahat sa kaayusan ng kung anuman.

kapre
oo tama. o, 'wag ka nang umiyak.

bonini
hindi na ako umiiyak.
Previous post Next post
Up