Mar 22, 2005 20:29
Birthday ko ngayon.
16 na ko.
Pero meh problema ko sa sarile ko.
Walang kasalanan ang ibang tao.
Nasa akin ang mali.
Bat ba hinde ko magawang maging masaya.
Ginagawa naman ng iba ang parte nila.
Pero, bakit laging may kulang?
Ano bang meron sken?
Araw ko ngayon, langya birthday ko.
Pero mapapaginipan ko.. puro problema at meh namatay pa.
Anu yun? Birthday gift sken? Saklap naman.
Wala ng sense sinasabi ko
Dinner na, kakatmad kumain.
Wala pa ren ang ice cream cake ko!
Di kaya yun ang dahilan kung bakit hinde ako tumino-tino?
Babaw.
Pero mapapasaya ko nun.
Masarap brownies na kinakain ko. Matamis.
Pero kabaligtaran ang pakiramdam ko.
Mapait, masaklap, malungkot.
Pero kaya ko. Kakayanin ko.
Ngiti na, di man totoo.
Mapapsaya mo naman ang ibang tao.
Yun ang hanap nila sayo.
Ang mga ngiti at tawa mong parang walang problema ang mundo.
Namimiss ko na yun. Yung parang walang problemang makakahadlang sakin.
Kailan yun babalik?
Pero, masaya na ren ako.
Bakit?
Kasi nakikita ko yun sa isang tao.
At sana pinaniwalaan nya ko ng sinabi ko sa kanyang talagang gusto ko ang tawa nya.
Yung tawang kahit ako, pinapangarap ko.
Wirdo ko.
Kanina, kagabi masaya ako.
Pero ngayon natulog lang ako sandali iba na.
Dali talagang magbago ng mood ko.
Kung kelan bithday ko na depress ako.
Kailngan ko ng magpapangiti sken.
Kailangang, kailngan ko.
Pero cge ngingiti na ko.
Dahil baka sakali sa pag ngiti ko ng pilit, maya-maya maging totoo.
Sana.
Ayokong sirain ko ang sariling araw ko.
Salamat sayo na bumati sken.
Punong-puno ang inbox ng sun ko.
Ewan yung smart.
Mamaya ko pa tignan.
Salamat talaga.
Dahil sayo, kahit saglit, ngumiti ako ng totoo.
Mafe, birthday ko na. testi ko? =)