Petix kasi eh...

Jul 24, 2007 04:31

Mga tatlong oras na akong walang ginagawa dito sa office pasensya sa anumang nakalagay dito.

Uuwi dapat akong ng baguio nung thursday night, kaso pagdating ko sa bahay maraming tao at nanood sila ng dvd. So ako naman nakinood rin sa pag-aakalang pagkatapos manood ay aalis na ako papuntang Victory bus station sa Cubao ng mga 3am. Walang nangyari kasi nakatulog ako halfway dun sa movie.

Nagising ako ng mga 9am. Masakit ang ulo ko at sa pagmumuni-muni ko ay naisipan kong gumawa ng pedalboard na long overdue na kasi napakahassle ng mag-setup ng effects at kailangan na rin maging malinis ang buong bahay para pagbalik ko ay matino naman ang dadatnan ko. So kasama si Dickies ay bumili kami ng gamit sa Kamuning. Pag-uwi ay bumili ng pagkain sa the best na carinderia sa qc, ang lot's eatery (20 pesos lang solb ka na). Yun, pagkakain linis ng bahay tapos gawa ng board tapos nanood ng marathon ng top model cycle eight. (hindi ko alam kung bakit ako nanonood nito at ng project runway at kung ano-ano pang show na katulad nya). At pagkatapos ng mga 13 episodes at last elimination na ay nalaman namin na wala yung last episode sa dvd.
Mga alas sais na hindi parin ako umaalis ng bahay, ewan ko pero parang may hesitation ako na wag na lang muna bumalik sa baguio. So nag-aya ako ng tao para may makausap. (salamat aries at ron at laur at janji) At nanood lang ulit kami ng tv habang kumakain ng gardenia loaf bread na may palamang tuna salad. Tapos nun ay nagempake na ako ng damit para hindi na ako tamaring umalis ng bahay.

Yun lang tinatamad na ako.
Previous post Next post
Up