hi

Dec 08, 2008 18:12

May nagde-debut kaming kapitbahay. Naiisip ko lang, bakit parang isang beses palang kami naiimbita sa party ng kapitbahay? Growing up, I realized we (my siblings and I) were never trained to be people-persons. Yung mga nagiging bibo yung mga tipong may mga magulang na sasabihin "O, sing for your titos and titas" tuwing family reunion. Kami? Wala. Laging nagkukulong sa bahay. Kaming tatlong magkakapatid lang magkakasama tuwing family reunion. Hindi kami pinipilit makipag-socialize sa mga tito, tita, lolo, lola, pinsan etc. namin kaya ayun, hanggang ngayon may mga pinsan kami na di pa namin kilala. Buti nga may improvement na ngayon e. Dati may mga pinsan ako na napagkakamalan kong tita o tito at vice-versa. Recently lang may nakilala akong pinsan nung birthday nung lola ko. Nagtataka ako kung bakit namumukhaan niya ako at ako parang first time ko palang siya nakikita. Sabi sa akin ng lolo ko "O, eto, pinsan niyo ito ha? Kabatch niyo yan sa DLSU." Grabe. Hindi nga? Nag-usap kami ng ilang minuto tapos bigla niya akong tinanong: "GMG ka diba?" Grabe nanaman. Taga-CAO pala yung pinsan ko. Mga blockmate pa niya yung iba kong mga ka-GMG. Hiyang-hiya na ako sa sarili ko, pero hindi ko pa rin masasabi na kasalanan ko 'to kasi yun nga, hindi kami na-train maging sociable.

Balik sa kapitbahay. Many years ago, we had these Taiwanese neighbor kids named Mark and Chang (ang cute diba?). I forgot how we met them, but we decided to give making friends with neighbors a shot. Ok na sana, but it was short lived. They moved out a few weeks after we met. Mula nung pag-alis ni Mark at ni Chang, hindi nanaman namin sinubukan maghanap ng bagong kaibigan sa barangay. Ang alam ko lang may kapitbahay kaming doktor dahil naaalala ko na sinasabi sa amin ng katulong namin kapag nagiiyakan kami na "Sige ka, iyak ka pa! Tuturukan ng kapitbahay ninyo yung bibig mo!" Yung kaisa-isang beses na naimbita kami sa bahay ng kapitbahay ay nung may party sila. At yung dahilan na napasama kaming magkakapatid ay dahil nakasulat sa invitation "The Carunungan Family". Naaalala ko pinakain ko pa ng ensaymada yung mga alaga nilang carp sa pond nila. Nagalit sa akin nanay ko at sinabi niya na 'yun siguro yung dahilan kung bakit hindi ako iniimbita sa mga bahay ng kapitbahay.

Nakakatawa yung mga realizations ko sa taon na 'to. Una yung pinsan ko na at least, ngayon, kilala ko na at sinasabihan ko ng "hi!" sa campus. Pangalawa ay yung kapitbahay namin na mga 4-5 years ago lang dumating dito. Hindi namin sila pinapansin. Alam ko lang ay tuwing nag-uuwi ng rambutan yung tatay ko galing sa farm niya ay binibigyan namin sila. At sila naman namimigay ng piña. Nung freshmen palang kami ni mark sa DLSU, naalala ko na may isang pagkakataon na nagkasabay dumating yung kotse namin at kotse ng kapitbahay namin sa mga bahay namin nung uwi namin galing sa school. Bumaba ng kotse yung kapitbahay namin at nakita namin na naka-PE uniform siya ng DLSU. Anak ng. Hindi ko na talaga alam kung bakit ganito kababa ang awareness ko sa mga taong lumilibot sa network ko.

Sophomore na ako. Hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nilalapitan para makilala. Ngayon, may nagde-debut sa bahay nila. Meron nanaman ba akong bagong madi-discover? Kelan, o papaano ko ba silang lalapitan? Sana matapos na yung 18 candles niya para makapagtrabaho nako ng maayos.

~eri
Previous post Next post
Up