durugtungan ko lang ang huling entry ni
yumipitz .
sa aking palagay, kaya bibihira na ang mga sumusuporta at naniniwala sa kakayahan ng Pilipinas at ng mga Pilipino ay dahil na rin sa kakulangan at kamalian ng mga aklat tungkol sa kasaysayan ng ating bansa. ang dating sa mga kabataan ng mga nilalaman ng aklat na ito ay kinakailangan kang maging isang manunulat o isang magsasakang gumagamit ng bolo upang maging isang bayani. wala silang mga pakialam (dahil ganoon ako dati) at ang kasaysayan ay isa lamang pampahirap sa kanila dahil sa pinakakabisado ng mga guro. umaasa lamang ang mga tao sa mga libro ng kasaysayan na siya namang karamihan ay gawa ng mga dayuhan.
mali-mali ang mga nakasaad na impormasiyon sa mga babasahing ito tungkol sa mga prominenteng mga tauhan sa ating kasaysayan. kinakailangan nang maging makatotohanan tayo sa pagbibigay ng impormasyon. kinakailangan matutunan ng mga batang Pilipino ang katotohanan tungkol sa ating kasaysayan at kung bakit nasa ganito tayong kalagayan ngayon. maaaring hindi nila maintindihan ang katotohanang ito, ngunit ang mga batang ito ay tatanda rin, at dadalhin habambuhay ang kanilang natutunan sa eskuwelahan noong sila'y bata pa lamang. kaya tama ang sinabi ni sir ocampo, na kahit ilang kurso na ang nakuha ng mga matatanda tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas, nananatili pa rin sa kanilang mga isipan ang kanilang "natutunan" sa kanilang pagkabata. ilan rito ang pagtutuwid sa ating mga akala:
Andres Bonifacio - hindi magsasaka. kung tutuusin ay hindi pa siya nakapagtanim ni-isang butil ng palay sa kanyang buhay. siya ay isang sales agent. isa ring ilustrado at manilenyo. "yuppie" kumbaga.
Apolinario Mabini - hindi polio ang dahilan ng kanyang pagiging lumpo. siya ay tumalon mula sa ikalawang palapag ng bahay ng kanyang tinuturuang kaklase dahil sa takot na mapikot ng kapatid nito.
Emilio Aguinaldo - hindi binenta ang Pilipinas sa mga amerikano. mayroon lang tangang amerikano na pambuwisit kaya nagkagulu-gulo (mahabang istorya)
Ramon Magsaysay - hindi talaga taong-masa. kolaborator siya ng mga amerikano.
amerikano - hindi talaga mabuti ang hangad sa Pilipinas. sila ang talagang sumira sa Maynila, hindi ang mga hapon. malulupit ang mga hapon sa mga tao ngunit hindi sila nanira ng mga bayan. ang mga amerikano ang nag-bomba ng sangkatutak. kung iisipin, wala tayong utang sa amerika sapagkat sa Pilipinas nanggaling ang mga materyales na nag-pioneer sa mga materiales nila. ang mga ginto natin ay inangkin nila. basta, mahabang istorya. malamang alam niyo na yung iba.
hindi rin mga amerikano ang naka-talo sa mga kastila. mga pilipino ang kinatakutan ng mga ito. ayaw lang ng arsobispo noon na sumuko sa mga "indio" kaya't nag "staged-battle" sila ng mga amerikano, upang kunwari ay sumuko ang mga ito sa mga puti. dito pumapasok ang tsismis na binenta umano ni Aguinaldo ang Pilipinas sa mga kano .
ilan pa lamang iyan sa mga pagtutuwid. sa tingin ko lang, kung ilalathala ang mga katotohanan sa mga aklat ng pang mababang paaralan, maaaring makatulong ang mga ito sa pagsuporta ng mga Pilipino sa ating bansa. kung uumpisahan pa lang ng sila ay bata pa, maaaring tumaas ang pagtingin ng mga bata sa Pilipinas. hindi katulad ngayon na parang bahagi lang ng eskuwela ang kasaysayan. nakakadepress kung tutuusin. lalo na kung maririnig ninyo ang talagang mga nangyari.
napansin niyo ba na sa lahat na lang ng mga gera ay talo ang mga Pilipino? mali. maling-mali.