(no subject)

Oct 27, 2011 11:08

It took me 3 hours to clean my drafting table.
Yup! ganun siya kakalat.
Well, hindi lang naman yun ang nilinis ko eh.
Pati yung boxes ko na puno ng random things.

Lahat ng kalat mula 1st year college.
Drawings, scratch papers, reviewers, boards, pinag-gupitan.
Pati FAILED quizzes at exams na tinago ko para di makita nila ate.
Halos 7 kilong papel ang napagdesisyunan kong itapon.
Kulang pa nga yan eh.
Kasi nahirapan akong pagisipan kung itatapon ko ba yung iba.

*****

Ang hirap kasi bitiwan ng isang bagay kahit ganu pa yun kaliit.
Lalo na kung naaalala mo bigla kung bakit mo nga ba tinago.
Kung tutuusin di mo nga naalala na nakatago yun ng mahabang panahon.
Pero nung nakita mo, tsaka mo lang narealize na andun pala siya.
Ngayon malilito ka kung itatapon mo na ba o itatago mo ulit.
Magiisip ka bigla. 
Matatakot kang itapon kasi baka biglang kailangan mo pa pala.
Kaso maiisip mo rin na pasikip lang yun.
At panu kung may mas importanteng dapat itago.
Malilito ka na talaga.
Itatapon na ba o Itatago pa?

*****

Sana lang kumita ako kung sakaling ibebenta ko lahat ng kalat na naipon ko.
Kung hindi ayos lang din.
Atleast malinis na yung kuwarto at table ko.
Di na ako lalamukin at dadagain sa gabi.
Isa pa ang sarap pala ng feeling.
Pakiramdam ko ang luwag luwag ng paligid.
 Ready na ako magkalat ulit. 
YEAH! :)

tiny thoughts

Previous post Next post
Up