(no subject)

Oct 23, 2011 11:15

Nakatutuwang muling makabasa ng mga likhang kadalasa'y walang saysay, ngunit kung minsan nama'y puno ng mga salitang kay sarap gawing kanlungan sa tuwing nalulumbay.

Kay sayang isipin na ang dating musmos na pag-iisip ay busog na ngayon sa mga aral ng buhay. Na sa bawat sakit na natamo mula sa minsang pagkadapa'y di lamang sugat ang hatid kundi may pagkatuto ring napulot.

Taon ang lumipas, at sa aking paglalakad sa daa'y kay rami ng nagbago. Bakas ito di lang sa mukha, kundi maging sa mga salitang binibitiwan at isinusulat  ng mga taong dati'y nakasama ko.

Isang kasiyahan para sa akin ang basahin at maging bahagi ng bawat kasiyahan at kalungkutang ibinabahagi ninyo. Gayun din ang mga payong di man tuwirang inihahatid ay nakararating naman sa dapat paroonan nito.

Salamat at dama ko na mayroon akong mga tunay na kaibigan.

tiny thoughts

Previous post Next post
Up