Aug 01, 2011 20:41
sabi nila, hindi nabibili ng pera ang kaligayahan.
kung ganun, bakit parang mayaman lang ang may karapatang maging masaya?
bakit pakiramdam ko wala akong kakayahang maging masaya dahil lang di ko kaya maglabas ng pera?
mababaw na pangangatwiran, pero may malalim na pinaghuhugutan.
pag wala kang pera lahat ng opurtunidad dadaan lang sa kamay mo, pero hindi mo mahahawakan.
parang ang lapit na pero ang layo pa rin..
maghihintay ka na lang ng pagkakataon na para sayo kasi wala ka namang ibang magagawa.
pero panu kung wala ng ibang panahon? kailan pa?
kung iisipin ang dali lang ng mga sagot sa tanung ko.
pero ang hirap tanggapin ng katotohan.
gusto kong maranasan lahat ng naranasan nilang kasiyahan.
gusto kong marating lahat ng kanilang napuntahan.
inggit? oo, inggit yun.
hindi ako nahihiyang sabihing na-iinggit ako kasi may karapat din akong lumigaya.
pare-pareho lang kami.
nag kataon lang na may kaya sila.
at gusto kong maging kagaya nila.
hindi bukas, kundi ngayon.
dahil minsan nakakasawang maghintay.
habang lahat ng masasayang bagay na dapat sayo, dinadaan-daanan ka lang.
tiny thoughts