Sep 05, 2009 20:46
Oo.
Di ko hawak ang buhay nila.
At oo.
Medyo madrama.
Kahit pa sabihin ng mga tao, na bahagi ng buhay ang pagbabago…
AYOKO! Yan ang masasabi ko.
Kahit pa pilitin kong huwag.
Kung ang mga bagay… mga tao mismo sa paligid
Ang siyang magbabago…
Wala na yata akong magagawa.
Dahil tama.
Tama.
Alam ko masaya sila. At di ko rin kaya ipagkait yun.
Alam ko di na sa akin, sa amin, umiikot ng araw-araw.
Di lang kami ang tao sa mundo.
At di lang sila ang nagbago.
Marahil… pati ako.
Sana lang…
Kahit man lang lima o isang minuto…
Tatlumpu o sampung segundo ng
Bente quatro oras sa araw-araw…
Maalala ng lahat…
Na minsan…
Sinabi nilang…
“Walang iwanan kaibigan.”
just the thought of being happy...
i'm already fine.
tiny thoughts,
emo moment,
senti