Magaling at intelehenteng Filipino sa Plaridel

Mar 02, 2009 12:04

Matapos marating ang ika-limang palapag ng SPS Building sa La Salle (sa kahahanap ko ng student orgs to partner with, gaaahd, nakakapagod ang SPS!!!), humahapo akong nagpakilala sa ilang mga kasapi ng Ang Pahayagang Plaridel -- Opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng Pamantasang De La Salle.  Ang swerte ko kasi nakilala ko agad ang EIC, ang magandang si Karla na pinsan pala ni Yanyan.  Matapos ang ilang pagpapakilala at maikling palitan ng mga kamustahan at ilang kwento tungkol sa kung gaano na katagal ang mga cabinet ng Plaridel, umalis din ako para maghanap ng venue para sa event this Friday.  At syempre, gayan ng nakaugalian, may pasalubong akong white copy.

Ang ikinatutuwa ko sa Plaridel, simplistiko, tama at naiintindihan ang balarilang pinaiiral at hindi kinukubli sa mga limot nang mga salita (mga salitang "malalalim") ang mga pinararating na mensahe.  Kaya, malambot ang daloy ng mga salita sa dila kapag binibigkas at magaan sa tenga kapag pinakikinggan.  At syempre pa, intelehente ang pagkakasulat sa mga paksang napapanahon.

Narito ang ising sipi mula sa artikulong "ID 106, isang kulturang iniluwal ng Br. Andrew Gonzalez Hall" nina Czarina Pauline Carando, Franz Joel Libo-on at Maria Erika Sol Pabalan tungkol sa subculture ng mag-aaral bilang 106:

"Hudyat ng kalakasan at paninindigan ang pag-iisa.  Sa pamamagtan nito, ayon kay Hegel, tumataas ang antas ng tao at nililisan ang pagiging normal (o pagiging pangkaraniwan - dagdag ko na ito).  Sa estading ito napapatatag ang mga hinuha ng tao dahil hindi na ito abot ng saklaw ng nakararami.  Tulad sa mga masukal na papag ng mga tribong malayo sa lipunan, dito umuusbong ang sariling areglo sa kultura, na malayang naninindigan, malaya sa panghihimasok ng mga taga-labas.  Subalit hindil lamang mga tribo ang may katangiang ganito, sapagkat sa kalagitnaan ng taong 2006, sa loob mismo ng Pamantasang De La Salle, umusbong ang mala-tribong lupon:  ang mga mag-aaral ng ID 106."

"sariling areglo sa kultura"  --  nice...

Ulitin lang po natin ang motto ng Plaridel:  Mahirap magbingi-bingihan sa katotohanan.  Mahirap magsulat ngunit kinakailangan.

Previous post Next post
Up