...95th

Feb 28, 2024 04:43


Pwede bang may restart button para sa buhay. Umay na umay na ako sa buhay ko. Tutal wala din naman talagang maghahanap sa akin kung mawala man ako dito. Hanggang ngayon wala pa ding pag-unlad na nangyayari sa akin. Lagi na lang ako yung nagbibigay pero parang wala namang natitira para sa akin. Parang ang silbi ko lang dito taga bigay ng pera. Parang yun lang talaga yung rason kung bakit ako nabubuhay. Nasira na yung mga plano ko eh. Tinry ko magbigay ng chance para sa sarili ko pero lahat palpak. Putang ina na buhay to. Hirap na din magtiwala sa lahat ng tao. Pwede bang wag na magising bukas, kung paulit ulit din naman ang gagawain, matutulog ka din naman pagkatapos ng araw. Anytime soon baka sumuko na ako at di ko na kayanin tong depression na 'to. Kung may baril lang siguro ako matagal ko na kinalabit sa ngala ngala ko para matapos na yung kagaguhan na mga araw ng buhay ko. Tsk.

Ang laki din ng pera na nawala sa akin, pucha, nung pumanaw si mama, halos lahat ng malalaking bills ako yung sumalo, pota wala man lang humati sa mga kapatid ko. Tangina ako lang ba yung anak?? Ni- Thank you wala akong narinig sa mga kapatid ko putang ina naman. Kelangan ko pang humanap ng back up jobs para masubukan ko man lang mabawi lahat ng ginastos ko.

Last chance ko na to eh. Nakakaumay mabuhay. Sobrang demotivated na ako gawin lahat ng mga usual na ginagawa ko, pati mga personal projects and hobbies.

Pagod na ako.

#pressed, #deep

Previous post
Up