jologs ako, may angal?

Jul 08, 2009 02:00



malas lang ni marian rivera, dala-dala ko ang camera ko kahapon nang kapwa kami magpunta sa rockwell, at nagkataon may kasama rin ako para kumuha ng litrato. hindi nga yun ang unang beses na nakita ko sya dun. nung linggo nga, kabababa ko lang galing ng san cristobal, nagpunta agad ako sa powerplant para manood ng transformers, nakita ko si heart evangelista at si jericho rosales magkasama, bumibili ng sandwich sa oliver's. mag-isa lang ako nun kaya naman walang pwedeng kumuha ng litrato namin, sayang. actually, madalas akong makakita ng mga artista at artistahin dyan sa rockwell, at alam ko kung bakit. sa rockwell kasi, puro mayayaman lang pumupunta. palibhasa kasi, ang hirap mag commute papunta dyan. at sabi ko nga dati, ang mga mayayaman, or nagyayaman-yamanan, they feign indifference. sa filipino: nagkukunwaring walang pakialam. minsan, nagkukunwari pa silang hindi nila kilala ang mga artista. pero malas lang ni marian, ang pagiging jologs ay walang kinalaman sa dami ng iyong salapi, o sa antas ng iyong pinag-aralan. maaaring mas maganda na ang katayuan ko sa buhay ngayon kumpara dati, at di hamak na may pinag-aralan ako, kung bibilangin mo lang ang tagal ng panahong ginugol ko sa unibersidad. pero ano ngayon? jologs pa rin ako, at titingin ako sa mga artista at magpapakuha ako ng litrato kasama sila, at hindi ako magkukunwaring hindi ako nabibighani sa kanila. jologs ako, at walang pinipiling artista, malaki man o maliit.

kaya nga malas lang ni marian, akala nya at ni dingdong, makakapaglamyerda sila sa powerplant nang walang papansin sa kanila. pero hindi eh, andun ako. sinasabi kong malas sya kasi napansin ko lang: hindi sya masyadong masaya nung lumapit ako para magpakuha ng litrato. parang hay naku, o sige na nga. hindi naman sya nagtaray. at least, hindi masyado. ang mensahe ko lang sa mga artistang tulad nya: hoy! umayos kayo! wala kayong karapatan sa buhay pribado kung kayo ay nasa mga pampublikong lugar. kaming mga masa ang nagmamay-ari ng mga buhay nyo, at kami rin ang nagluklok sa kinalalagyan ninyo ngayon. kami ang dahilan kung bakit kumakamal kayo ng limpak-limpak na salapi. kaya mag kayong mag-inarte. dapat masaya kayo dahil sikat kayo at mahal kayo ng mga tao. ngumiti na lang ng todo para sa camera. sanay naman kayo dun diba? kasama yan sa trabaho nyo! ginusto nyo naman ang kasikatan diba? pwes, mag-asal sikat! pasalamat kayo at iilan lang kami sa rockwell na nagpapakatotoo. duon, hindi kayo dudumugin ng tao, kasi nga hindi naman yun class. hindi yun, sosyal. pero malas nyo, hindi ako sosyal. jologs ako, may angal?

rockwell, jologs, marian rivera, celebrity, vernacular, class

Previous post Next post
Up