If looks could kill...

Aug 27, 2008 14:43



Pauwi ako kanina nang may madaanan akong isang commotion.

May isang kotseng durog ang unahan ang nakahambalang sa daan. As usual, maraming tao sa paligid, nakatitig, naghihintay ng TV coverage. Mayroon ding mga pulis na nagpapacute.

Nakita ko na may isang tao na nakahandusay sa kalsada...duguan.

Tumigil ang jeep na sinasakyan ko para makiusyoso ang driver.

Kaninang 830pm pa pala naganap ang aksidente--bumangga sa isang kotse ang isang lalakeng naka-motor sa may DIAN ST.

Nagtanong ang driver, "Patay na?"

Dun ko lang naintindihan na BUHAY pa pala ang lalakeng nakabulagta sa daan.

Walang ambulansya, Walang tumutulong sa kanya...wala din daw lisensya ang lalake kaya hindi siya ginagalaw ng mga pulis.

Gusto pa ata kasuhan.

Grabe, ang galing ng Pilipino.

-------

Quote:

sa  class:

Girl : "Sir...ano pong size ang A3?"
        Sir : "uhm...A3?"

- totoo yan! hindi ako makapigil sa tawa. MMA student yan ha :D

Previous post Next post
Up