Edukasyon

Mar 27, 2007 12:33

Nanood ako ng Philippine Agenda nung nakaraan sa Channel 7.  Edukasyon ang topic nila.  Nakalulungkot dahil ang lala ng sitwasyon ng edukasyon sa Pilipinas.  Lalung-lalo na sa mga probinsiya.  Nag-eenjoy tayo sa aircon na classrooms at internet samantalang sila wala man lang upuan, mesa at libro.  Kaawa-awa.  Sabi naman ng DepEd secretary dapat daw 3x more ang ilaan na budget sa edukasyon para matugunan ang pangangailangan.  Kumusta naman yun, diba?  Ubos na ang budget.  Yun lang ang napuntahan.  Pero hindi naman talaga maikakaila na mahalaga ang edukasyon. :(

Kung kaya, VOTE WISELY sa darating na eleksyon.
Previous post Next post
Up