Mar 23, 2011 02:20
Galit ako
sa mga pangyayari,
sa realidad ng pagkapangit ng buhay,
sa mga taong tumitisod at sumasaboy ng kanilang mga maaasim na asido,
mga pagkakataong nasayang,
sa mga maling akala,
mga maling ekspektasyon,
maling pagtitiwala,
sa mga ganid na sumisira sa pagkatao,
sa mga sakim sa kaligayahan,
sa mga mali ang paniniwala sa kaligayahan
sa mga magugulong isip,
sa pagkakamali,mga pagkukulang,
mga maling paratang,
sa kawalang inspirasyon,
sa kalungkutan,
sa pagkabagot,
at sa konsepto ng galit.
Galit ako.
Pagdagundong ng malalalim na baho
at tinis ng malalanding boses
ang kumakalinga sa mga nanakit na tainga.
Nagsasabing huwag silang pakinggan.
Mamuhay sa sariling mundo.
Kumuyakoy pabalik-balik
Bumalikwas, kumunot.
Kahit sa paglaon ay maninikip din
at mawawalang tuluyan