(no subject)

Jun 17, 2010 22:15

 EXT. HIGHWAY -- AFTERNOON

Tirik na tirik ang araw. Humigit kumulang sa isangdaang katao ang sumusunod sa karo ng patay. Karamihan sa kanila ay nakakulay-itim. Sari-saring kulay naman ng payong ang nakalitaw sa mga ulunan ng mga kasama sa parada. Tumutugtog ang isang malungkot na awitin mula sa karo.

Sa bandang unahan ng parada ay nandoon ang mga naulila si JOSIE at si MARLYN, ang mga anak na pinapagitnaan ang kanilang nanay, INANG. Sa bandang likuran naman ay nandoon si JOPET at MELVIN, anak ni Marlyn at si JANE, anak naman ni Josie.

Makikita na hindi nagkikibuan ang dalawang magkapatid, ngunit maaaninag sa mukha ni Inang ang kaligayahan, isang emosyong hindi madalas makita sa mga ganitong pagkakataon. Nagkakatitigan paminsan-minsan ang magkapatid, ngunit hindi sila nagsuklian ng pananalita, animo'y nagkakaintidihan sila sa bawat sulyap na ginagawa.
Previous post Next post
Up