May 05, 2010 01:11
And may I quote someone. Hindi ko siya kilala.
"Less than a foot made a difference between a hero and a bum."
Dont get me wrong. May trabaho naman na ako this summer. Sa UFO Films, kila Ramond Lee at Jade Castro. Though hindi kami madalas magmeeting kasi kadalasan take-home yung assignment ko. Kaya most of the time, bum pa rin ako. In fairness naman sa trabaho ko. Guess what? Mag-edit ng script. As in ng full-length script. Magsuggest ng lines. At magtranslate ng lines into a newer and much funnier gay lingo. San ka pa?
So, with Raymond Lee's good heart ay nakapasok ako sa UFO. At yun nga. Hindi kami madalas magkita. Pero may assignments. As in. At kahapon, nagcasting kami. Nakakatuwa. Ganon pala yun. Mas hardcore, kung anu-ano ang pinapagawa sa mga artista. Hahahaha. Then dahil may mga iba pa kaming ika-cast, nag-exhaust lang ako, si sir raymond at si sir jade ng mga laos na lalaking bold star. Yun yata yung gusto nilang mangyari. Mangresurrect ng mga namatay nang career. So ako, naexcite naman ako dun. Hahaha.
I really though hindi ko ma-eenjoy itong trabaho ko dito dahil for the past months in-envision ko ang sarili ko na nasa Star Cinema ako, working with my fierce friends there. But luck strikes hard nang hindi ko masagot ang tawag ng Star Cinema dahil sa isang dahilan na sa palagay ko eh reasonable naman. Hindi yon katangahan, hoy. Medyo mahirap lang talaga yung nasa sitwasyong ganon. Pero in fairness nakakaramdam ako ng sense of fulfillment sa pag-eedit ng script. Feeling ko talaga screenwriting ang calling ko in film life. Though of course gusto ko rin namang ma-experience ang ibang bagay ano. Pero ngayon, sa pagsusulat ako masaya. As in sa pagbabasa ko ng scriptng project, na-inspire akong simulan ang sarili kong script for my thesis. Though of course I still sense some problems sa storya ko, pero nakakafulfill siya.
Na-eexcite ako sa shoot. Sinabi ko na kay Sir Raymond na hindi ko iiwan yung shoot, as in susubukan kong tapusin siya with all my heart. Kasi in fairness naman, gusto ko yung mga katrabaho ko dun. Ang-cool lang kasi nila Sir Raymond at Sir Jade. Nakakatuwa, parang hindi sila haggard. Sana nga magsimula na ang shoot. Para matigil na ang bum life.