Sakim ka bitch

Mar 10, 2010 23:23

Ikaw na noon,
ikaw pa rin ngayon,
ikaw pa rin ba sa iba?

Hindi ako ilusyonado
pero nakakainis lang
kahit gaano ka kabarubal,
kabastos,
kawalang-interes.
ikaw at ikaw pa rin.
Ikaw na lang lagi.
Hindi ako.
ikaw.

Napakaraya.
Hindi patas.
Karumal-dumal.

kailan nga ba
matatawag ko ang panahon
na akin lang talaga
na sa akin lang
wala ng iba 
at walang ibang kokontra.

Hindi mo alam
pero Ikaw na naman ang mas pinili.
Ikaw na naman ang napusuan.
Ikaw na naman ang hinanap.
Lagi na lang.

Hindi ako.
Ikaw na hinanap ko noon.
Ikaw na pilit pa ring hinahanap ko ngayon.
Ikaw pa rin
ang hinahanap ng iba.

Sakim.
Previous post Next post
Up