Thank You

Sep 05, 2007 23:24

For all those who greeted me today, Thank You. =D

For those who forgot, i understand dahil alam kong busy kayo. (It's a work day) =D

Overall, it's been an easy, relaxed day. Palibhasa may buo na akong thesis na naipasa. Wala na munang alalahanin for now. I'm glad that my family is at peace. I'm at peace.

Masaya ako, iyong saya na hindi tumatawa o humahalakhak, iyong saya na kahit na hindi perpekto ang buhay, wala ka nang mahihiling pa dahil andami nang naibigay. Thank You na lang talaga ang pwede, at dapat, kong sabihin.

Ayan, bigla tuloy umulan.

Kanina ang init-init ng araw. Sa pagtatapos ng araw na ito para tuloy basbas ng langit ang ulan na ito.

Ang umulan, ito lang pala ang pinaghihihiling ko nitong mga nakaraang araw. Ibinigay pa rin.

Thank You.

PS: sana hindi kami bahain.
Previous post Next post
Up