Sep 19, 2008 13:33
Madilim.
Sandali lang.
Ayan ka na naman,
kung anu-ano sinasabi mo.
Nilalambing mo ako,
pero wala lang 'yun sayo.
Ganun ka naman kasi talaga, diba?
Kahit sa iba.
'Di mo lang alam,
Nakakapaniwala.
Ang galing mo naman,
Ang bilis mo mag-paasa.
Nakakatawa na nakakainis
Na yung mga bagay na bale wala sayo
'Di mo lang alam
Sa'kin, higit pa sa buong mundo
Tama nga yung sinabi nila
"Si...sino? Sinungaling ka."
Ayoko rin naman malaman...mo
Kasi nga baka hindi totoo
Kelan ka nga ba seryoso
May posibilidad nga ba
Ayan na, aalis ka muna
May ilaw na.