Wow, I'm so over you

May 21, 2008 22:57

Hindi ko alam
Iniisip mo, kung ano... sino
Ang tahimik mo kasi
Hindi ka masalita

'Di kagaya ko
Medyo kulang sa gawa
At hindi sigurado
Kung ano ang tama

Pero ikaw
Hindi ka mali
Sa gusto mo
Sa kinalaunan, sana ako

Kasi ako
Hindi sigurado
Kung gusto kita
Malabo, nakakatawa

Nakakainis dahil minsan
'Di tayo nagkakaintindihan
Gusto ko sana, kaya lang
Nakakapagod umasa
...with my luck? wag na

---
...and the air went stale with the things left unsaid.
Previous post Next post
Up