Pamagat: Anong Napala ko sa Love?
May akda:
nodoka06 Labtim: Shida X Nakajima X Ohgo
Gendre: Kapaitan
MTRCB: PG for d bad words.
Buod: Bitter si Mirai ,alamin natin why.
SMP --> "Syota mo Payatot."
Ito ang kinoment sa'kin ni Mariya sa fb nung nag-eemote ako sa status ko. Heart broken na nga ko,may gana pa syang mang-asar. Pero sa bagay,wala na kasi sya sa skul, kaya hindi nya alam. Pero miski na, kala mo naman sya hindi payatot. Nagyayabang porket tabachoy naging ex nya, ay... naging ex ko din pala yun.
Pero, mali talaga sya, kasi syota? Oo,payatot sya,pero ung Syota... hindi na eh. Dakilang mag-EX na rin kami ngayon.SHET. Bakit ba kelangang ulit-ulitin ko to, para ano? matanggap ko na talagang wala na kami? Tapos ngayon, bina-blog ko pa, para namang proud pa ko at wala na kami... Ansakit-sakit.Shet.Super. Tapos alam mo yun, wala man lang yung 3 months rule katulad nung kila Popoy at Basyang... may kapalit na ko agad,alam mo yun... Tapos yung papalit sayo,KAiBiGAN mo pa Shet! Ano to, Temptations of Wife? Perfect Match? Tupang ina! Ang sakit sa bangs ko at sa thalamus.
Oo,tama sya nga... Ang Best Friend ko, si Ohgo Suzuka ang pinalit sa'kin ng syota kong si Nakajima Yuto... I mean Ex... Tang-ina sige ulitin pa. Matagal na palang may something sa kanila. Kung hindi pa nagkainuman ang tropa, hindi ko malalaman.
Nagsimula daw yung nung umiiyak si Suzuka, hindi ko alam kung kelan yun at bakit sya umiiyak, tapos lumapit daw si payat at kinomfort sya tapos ayun na...na fall na daw sya sa boy...ex ko.Tapos ano... nafall na din sayo si Yuto?If I know, matagal ka ng may kras kay Yuto,at anong comfort ba ang ginawa nya sayo?? Kung ganon lang pala eh di sana kinomfort nya ko nung iniiyakan ko sya para ma-fall sya ulit sa'kin. Mahal pa din naman daw nya ako kaso... iba na. Nahingi din ng tawad si Suzuka sa akin, hindi naman daw nya sinasadya,nagmamahal lang naman daw sya. Ako din naman ah,nagmamahal din ako kaso inagaw mo. Naman friend! Ang dami-daming iba jan bakit si Yuto pa? Ang dami-daming single dyan bakit yung "taken" na? At ang dami-dami nyong pwedeng saktan at lokohin bakit ako pa? Hindi nyo man lang pinaabot ng mansari, ilang araw nalang yun noon eh. Pero ewan ko kung ano mas masakit, yung iwan ka ilang araw bago mag mansari, o ilang araw pagtapos? Hay siguro parehas lang... Feeling ko tuloy planado ang lahat.Buti na lang at nandyan sila Umika at taba, kahit paano napapalakas nila loob ko,napapasaya nila ako. Pero, papano ako makakamove-on kung araw-araw ko silang nakikita? Mahirap maging classmate ang ex mo, dalawang beses ko pa naranasan, tang ina. Kaya natuto na ko, hindi na ko ulit mag boboyfriend ng klasmeyt ko, yun eh kung may balak pa kong magsyota tapos nito.
Kapag naman may gala kami, naiingit lang ako kay Umika,syempre may Jingi sya, may bf sya ako wala. Tapos si Saaya at si bakla, dadagdag pa. Mag su-swit-switan kunwari. Puta,sige na, ako na yung single, ako na. One time nung nasa mall kami, nagyaya si Jingi sa Starbucks, bibili daw sya. Nung una ayaw ko sumama kasi akala ko sasamahan ako nila Ryun pag di ako sumama, eh bibili din sya kaya no choice akong sumama.So ayun, nung nasa loob na kami, hindi ko naiwasang magkwento. Sabi ko kay Saaya, "Shet, ano ba, dito kaya kami huling nag date.Bilisan nyo nga umorder,sa labas nyo na yan inumin!" Nang si Ryun sumingit, "Tanda mo pa ba kung saan kaya umupo noon?". Tang-ina mo bakla, sinusumpa ko, hindi ka magkaka dyowa.Pero umoo naman ako, tinuro ko pa nga sa kanila kung saan eh,para akong timang.May konting kilig habang kinukwento ko sa kanila pero pagtapos kung ikwento, nagsisimula na namang sumakit ang puso ko. Masayang alalahanin ang mga masasayang sandali namin ni Yuto, ngunit kapag naiisip kong tapos nang lahat ng yon,ang sakit, ang hapdi, ang kirot. Pinipilit kong maging masaya para sa mga kaibigan ko, kahit sa loob ko, dahil kay Yuto nagdurugo ang puso ko.
Bakit ngayon pa Yuto? bakit ngayon pa?May nagawa ba kong mali?Nagkulang ba ko? Hindi naman kita pinagbabawalang mag-dota ah, sinasamahan pa nga kita, chini-cheer pag may laban kayo nila Ryosuke.Tapos habang nagdodota kayo,si Chinen naglalaro ng Ameba Pigg. Palibhasa Pig yung syota nya. Hay buti pa si Chinen, may syota. Hay nako, mauulit pa kaya yung mga sandaling iyon?Babalikan mo pa ba ko?Magagawa ko pa kayang patawarin si Suzuka? Magkaka ayos pa ba tayong tatlo?
Pero, pinaka naiinis ako sayo Yuto. Pagkatapos ng lahat, lahat lahat, binigay ko sayo ang lahat. Matapos ang isang taon at 7 buwan, iiwan mo lang ako? Ang kapal din naman ng mukha mo. Ikaw pa tong may ganang makipag break. Sabihin na natin, oo, may chemistry din kayo ni Suzuka. Eh tayo bukod sa may chemistry tayo, may history na din tayo ngayon. At baka nakakalimutan mo, saulado ko na rin ang anatomy mo. Payatot ka, How Dare You?!
Buti pa Mama mo at si Raiya, ayaw akong mawala sa family nyo, pero ikaw, parang atat na atat kang palitan ako. Sana kasi hindi na lang umiyak si Suzuka, eh di sana hindi mo sya kinomfort at hindi kayo nagkahulugan ng loob at higit sa lahat hindi sana tayo nagbreak. Putang ina mo kasi Yuto, hindi ko naman didibdibin ng ganito tong break-up natin kung wala akong napala sa love ko sayo. Kasi alam mo kung ano napala ko sa love? Bukod sa pimples, eye bags, at heart break...
... Baby.
Ito sana ang gift ko sayo sa monsari natin.Pero ngayon hindi ko alam kung dapat ko pa tong sabihin sayo. Dahil ayokong bumalik ka dahil lang sa awa at pananagutan mo. Mahalin mo ako ng katulad dati,ako lang,ako at wala ng iba. Selfish na kung selfish, at least hindi ako ahas at two-timer.Loyal ako loyal. Hayop ka Yuto. Ni wala na kong masuot, ung ibang damit at gamit ko nasa inyo pa, tanging uniform ko lang nauwi ko. Nakakahiya naman kung papadala ko sa mama mo, hindi pa nga ako nakakapag-paalam ng maayos. Sige bahala ka na sa buhay mo, malaki ka na. Iiiyak ko na lang to, gusto kong uminom ng matador kaso shempre dapat ko na din alalahanin na may inosenteng nilalang ang maapektuhan pag nag-inom ako.Hay nako, dapat pala natuto na ko dun sa drama namin dati ni kuya miura. Humanda ka na lang pag nalaman pa to ng Papa ko. Magdasal ka na.Tsk.
Happy monthsary na lang sana sa atin, putang ina.
---
A/N: Nung una dapat "Syota mo Pandak" ito, dapat UmiChiiNon fic ito. Kaso hindi api ending for UmiChii at kung si Kanon naman ang iniwan,aukong mag mukang mang aagaw si Umika at mas lalong ayaw kong maging broken si Kanon.Lol sige ako na, ako na daw sabi ni Mirai. :))
salamat sa pagbasa.:)